UPDATE ULIT....HEHEHEHE....THANKS ....
________________________***************************************_________________________
PRESENT TIME....
-------CHERRY---------
Mabilis na lang akong natulog, para naman kahit papaano mawala sya sa utak ko,
Naging mabilis ang paglipas ng mga araw naging busy-busyhan ako sa trabaho, halos batak buto ang naganap para macover namin ang araw na hindi kami papasok,
Kami kasi ang mag cacater para sa birth day ni papa, at yun ang pangalawa kong surprise at ang pangatlo present ako sa birthday nya, ang alam kasi nila busy ako masyado sa negosyo kaya hindi ako pupunta,
Well maraming oras ako para sa kanila hindi lang halata,
Bukas birthday na ni papa, kahit ngayong gabi nga ay busy na kami sa pag aayos ng mga ingredients na gagamitin namin para mamayang madaling araw ikakarga na lang sa sasakyan,
Wala kami pasok bukas, dahil lahat ng crew ay susugod sa bahay para doon magluto,
Si ate Zharina ang nakatoka sa decorations at music, si Cathy at si Noli Jr. naman ang magiging M.C ng buong gabing iyon, at sila din ang nakatoka para mamigay ng personal sa mga bisita ng invitations,
Nung minsan nga nabanggit saakin ni ate na mag lalagay daw sya ng videoke sa taas ng stage para unique daw,
Habang nagsasalin ako ng mga spices sa isang container tumunog ang cellphone ko,
Nagtext pala si ate zharina,
“hey Che, everything is perfect na, ang kulang na lang eh yung food at ang presensya mo, akala ni papa hindi ka pupunta at iba ang mag cacater sa birthday nya, pati pumunta daw sila sa restau mo pero wala ka daw, saan kaba nagpu3nta?,akala talaga ni papa busy ka talaga sa ginagawa mo, so pano kita kits na lang tayo bukas ha bye!!”
Natatawa pa rin ako habang pinakikinggan ang voice message ni ate, matagal na rin kasi akong hindi man lang nakakadaan sa bahay kaya namn mamaya, gugulatin ko talaga sila.
Halos hindi na ako natulog sa sobrang excited, dumaan na agad ako sa restaurant,
Nandito na rin ang apat kong staff pati si dolly, gusto na rin kasi nila sumabay saakin, ang totoo nyan ang trato ko sa staff ko ay parang barkada lang pero alam nila kung kelan ang joke at kelan dapat maging seryoso, yung dalawa nga dito ay mas matanda saakin, lagpas 30 na pero bagets na bagets pa din,
“Nathan ang kuya carlo, kayo nah o ang bahala sa mag karga nyan sa likod ng sasakyan ha,” sambit ko,
“yes ma’am,” sabay nilang sagot,
“dolly asan na yung apat?”
“ma’am susunod na lang po daw sila, pumunta po kasi sila sa supplier naten, sila po naka- assigned na kumuwa ng fresh goods,”
“ah ok sige, yung gray na van ang dala nila diba?”
“yes po ma’am” pag sang ayon nya,
“ok sige,”
Kumain muna kami sa mcdo, at Naging smooth lang ang byahe namin dahil wala namang traffic,
Dahan-dahan kong pinarada ang sasakyan ko sa harap ng bahay, ayoko magising sila mama at papa, dahan-dahan kung dinukot ang duplicate ng bahay sa bag ko, at binuksan ang pintuan, napansin ko kaagad ang ilaw sa kusina, nagulat ako ng biglang iniluwa si mama ng pintuan sa kusina, mabilis akong tumakbo at niyakap sya, pinaliguan ko din sya ng halik sa pisngi,
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...