CHAPTER 20

43 1 0
                                    

Tama ba ang narinig ko? May pinangako sya sa magulang ko? Ano ba yon? Wala akong alam..wala talaga!...nanlalamig ang buong katawan ko ngayon maraming tanong ang pilit na naguunahan sa isip ko...ano pa ba ang nangyari noon na hindi ko alam? gusto ko malaman yon...kaya naman pilit kong hinabol si kuya andrew ngunit ng makalabas ako wala na ang sasakyan nya....

mabilis akong umakyat sa office para kunin ang cp ko ngunit ng simulan kong tawagan si kuya andrew ngunit hindi nya ito sinasagot...ilang try pa pero wala pa din...

lumipas ang ilang linggo at nanatili pa rin ang mga katanungan sa utak ko...ang totoo nyan wala akong ginawa na kahit anong moves para matulungan ang sarili ko na hanapan ng sagot ang mga tanong sa isip ko. hindi ko kasi alam kung saan at paano ko sisimulan..

para akong robot na kumikilos lang para pumasok sa trabaho. uuwi para matulog, minsan nga nakakalimutan ko ng kumain... aaminin ko, naghihintay pa rin ako...hinihintay ko si kuya jojo na magpakita saakin para malaman ko na ang totoo...masyado akong mapride kaya naman ito hanggang ngayon wala pa rin akong ginagawa...gusto ko si kuya jojo ang unang lumapit saakin pero hanggang ngayon hindi pa rin sya nakikipag kita saakin...

sumuko na ba sya?! bakit ang bilis naman? kailangan ko bang maging masaya? masaya dahil tinigilan na nya ako! pero bakit parang mas gusto kong umiyak kapag naiisip ko na sumuko na sya saakin!

sa pangalawang pagkakataon muli ba akong masasaktan?  hindi ko ba deserved na maging masaya? oh baka naman karma ko na to dahil naging sarado ang utak ko sa mga paliwanag nya?

hindi ko na namalayan ang pag-tulo ng luha ko, basta ang alam ko hindi ako makahinga hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. naitakip ko na lang ang kamay ko saaking bibig para maitago ang tunog dulot ng pag iyak ko. kasalukuyan  akong nasa kusina ng restaurant at naghahanda ng mga sauces...nanatili pa rin akong umiiyak...panay taas-baba ng balikat ko...hindi ko na kinaya, lumakas na ang paghikbi ko mabilis kong binuksan ang exhaust fan upang matakpan ang malakas na pag iyak ko dahil sa lakas ng tunog na nililikha nito.

____________

hanggang kelan ba ako magiging ganito? basta ang alam ko lang ngayon gusto ko sya makausap...oo na lulunukin ko na ang pride ko....

"hello? kuya andrew? may no. kaba ni kuya jojo? hihingin ko sana! thanks.."

"seryoso ka?! meron ako...pero ok ka lang ba? parang it's to late na para makipag ayos ka pa sa kanya..." seryosong sagot ng kausap ko

"ha!? anong ibig mong sabihin? halos 2months pa lang naman nung huli ko syang nakausap ha! bakit? kuya anong meron?! ……sumagot ka!"

"sige message ko na lang no. ni jojo...bye...!"

"hello? kuya? kuya!"

anong sinasabi nya ngayon? anong it's too late?

ilang saglit pa natanggap ko na ang message ni kuya andrew...bukod sa no. ni kuya jojo nakalagay din ang address na tinutuluyan  na hotel ni kuya. wala na akong sinayang na panahon. heto at patakbo pa akong lumalabas ng restaurant habang ang isang kamay ko ay abala sa pag-dialled ng no. ni kuya jojo. gusto na klaruhin ang ano mang bagay na gumugulo sa isip ko.

ngunit walang sumasagot...itinigil ko na ang sasakyan at patakbong pumasok sa isang hotel malapit sa ayala...pinuntahan ko kaagad ang receptionist...

"yes! goodafternoon...gusto ko lang sana malaman kung dito ba nag-s2tay si Mr. Fugido? Jhojho Fugido?!

"for a while ma'am!"

"ok sige"...sa totoo lang nanginginig ako sa takot ngayon...hindi ko alam kung pano ko sisimulan magsalita kapag kaharap ko na sya...maging ang pag hinga ko pakiramdam ko hindi na normal...dahil halos ibuga ko na ang hangin sa bibig ko upang makahinga ng maaayos...ilang tipa pa ng receptionist sa keybored nya...

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon