CHAPTER 29

41 1 0
                                    

nanatili akong naghihintay sa boses ng taong kausap ko sa kabilang linya...medyo natataranta na ang kalooban ko...

lalo pa't tanging buntong hininga lang ang naririnig ko ngayon kay kuya...

" CHE! MAGPAPAKASAL NA SYA...MAG PRO-PROPOSED NA SYA! AS IN NGAYON NA!! WALA KA RIN BANG ALAM?" habol hininga nyang pagdedetalye...

"HA?" BA-BAKIT?"  hindi ko alam kung anong sasabihin ko...tila naubusan ako ng mga salita...ang sakit-sakit.. (T_T)

Halos hindi ko alam ang gagawin ko...bigla na lang akong nanghina...may kung anong pwersa ang humigop sa lakas ko...nagtaasan ang balahibo ko..ni hindi ko na nga namalayan na nabitawan ko na pala ang cellphone ko....

tanging luha na lang ang naging tugon ko...habang tulalang nakatitig sa kawalan...

hindi ko na nga alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isipan ko...bakit ang gulo...naguguluhan ako...

parang nabingi ako sa mga sinabi saakin ni kuya Andrew...lagi na lang nya akong ginugulat sa kung ano mang bagay na alam nya about kay kuya jojo...at lahat ng yon parang lagi na lang akong nasasaktan...

"KAYA BA HUMINGI NG SORRY SAAKIN SI KUYA!?  KASI MAGPAPAKASAL NA SYA?"

"NAKAKINIS! NAKAKAINIS!"

para akong tangang napahiga...at pilit na pinagkasya ang sarili sa bench...kahit halos nakabaluktot na ang katawan ko..hindi ko lang talaga kinaya  ang rebelasyon na natanggap ko...

ano pa ang magagawa ko...wala na...buo na talga ang desisyon nya na kalimutan ako...

and worst tinuldukan nya yun sa paraan na sobra akong masasaktan..

huminto ang tugtugan...at bigla na lang nagsalita ang M.C ng event mga estudyante din ang nag host...

"GUYS...Meron tayong game na gagawin ngayon...katuwaan lang to...kung sino ang malakas ang loob na magsabi ng nararamdaman ninyo...pumunta lang kayo sa stage...yup on stage guys! para naman kiligin naman tayong lahat!"

dumadugundong na tilian ang nangibabaw ngayon sa ground floor...parang game na game ang mga estudyante...nanatili lang kong nakahiga...

hindi alintana na baka madumihan ang damit na suot ko at dilim sa paligid ko.....

"Good evening sa inyong lahat! ako nga pala si Mark! nahihiya man ako magsalita sa inyong lahat handa ko naman gawin ang kahit ano man para lang malaman mo Mich...kung ano ang nararamdaman ko..." paglilitanya ng isang lalake malakas na hiyawan ang naging tugon ng madla.tila kinikilig ang lahat...

samantalang ako..heto...sawing-sawi...sa totoo lang naalala ko pa yung itsura ng babaeng kadate ni jojo...ayoko man aminin pero sobrang ganda nya..feminine na feminine ang aura nya...she knows how to dress properly...at kung ico2mpare ako sa kanya..wala talong talo na ang lola nyo...at kahit anong gawin kong paghahambing saaming dalawa..panalong panalo na sya...dahil sa kanya magpapaksal ang buko ko..

pilitin ko mang ibaling ang isip ko sa iba...bigla na lang pumasok sa utak ko ang mga katagang dumurog noon sa puso ko...

"KASI MAHAL KITA!" (Jhojho)

ito ang unang beses na narinig ko mula sa kanyang labi ang mga katagang matagal kong hinintay...ngunit hindi ko yun pinaniwalaan...

"Che sorry na...sorry sa pagiging tanga ko noon...sa pagiging duwag ko natakot ako sa maraming bagay" (Jhojho)

Jhojho sorry din sa pagiging tanga ko noon at ngayon...naduwag ako na tanggapin ka, kahit halos magtatalon na sa tuwa ang puso ko dahil bumalik ka para saakin...

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon