CHAPTER 17

53 1 0
                                    

JHOJHO POV

abala ako sa pakikipag usap kala tito, aminado ako na hindi ko pa alam kung ano ba ang kakalabasan ng pagtatapat ko sa kanila pero nakita ko naman na nakikinig sila sa bawat pagsisiwalat ko, nung una hindi pa makapaniwala si tita cristy, hindi ko naman maiaalis sa kanila ang magulat dahil matagal na panahon ko din iyon itinago. bakas sa mukha ng bawat isa ang pagiging seryoso kaya kinakabahan ako.

bigla na lang nabasag ang pag-uusap namin ng may tumawag kay tito, sabay-sabay kaming lumingon nakita ko na nandoon din si Che, mukang barkada nya ang kasama nya ngayon. nakita ko na lang na nawala ang tensyon sa mukha nila tito.

pinapanood ko lang si Che habang papalapit sa pwesto namin. ramdam ko ang inis o galit na pumapaloob sa kanya.

ipinakilala ako ni tita cristy sa barkada ni che, nakipag kamay ako sa kanila ngunit hanggang ngayon nakatingin pa rin ako kay che, bigla na lang akong kinabahan ng magtama ang tingin namin sa isat isa. hindi ako umiwas ng tingin sa kanya kaya nakita ko kung paano gumawa ng paraan si che upang makaiwas.

habang naglalakad kami papunta ng catering area magiliw akong kinakausap nila Mr. dumapias at Ms.Albarracin sinasagot ko lang ng matipid ang lahat ng katanungan nila ngunit medyo kinakabahan ako kapag si Mr. Dumapias na ang nagtatanong hindi ko ba alam kung sasagutin ko na lang sya ng diretso para matapos na ang pag iimbestiga nya sa kung anong meron kami noon ni Che.

medyo nawili ako sa pakikipag-usap sa kanila kaya hindi ko na namalayan na iniwan na pala kami ni che. nakita ko sya ngayon habang nakaupo sa tabi ni papa nya.

narinig ko na lang si jay-r na nagtatanong kung sino ang gustong sumunod na mag pe2rform mabilis akong nagtaas ng kamay. aaminin ko abot-abot na kaba ang nararamdaman ko pero disidido talaga akong hingin ang pagpapatawad nya.

mabilis akong sumampa sa stage, nakita ko na lang si che na naglalakad na papasok ng bahay nila. kaya naman wala na akong sinayang na pagkakataon nagsimula na akong magsalita at habang nagsasalita na ako nakatingin  pa rin ako sa kanya kahit na nakatalikod sya saakin. nakita ko na huminto sya parang nakikiramdam sa mga salitang binibitiwan ko.

ramdam na ramdam ko ang kinakanta ko dahil yung mga lyrics na lumalabas ngayon sa bibig ko,  yun talaga ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. sa sobrang kaba ko halos hindi ko na marinig ang reaksyon ng lahat basta tuloy-tuloy pa rin ako sa pag kanta habang nakatingin sa kanya. ng makita ko syang tumakbo papasok ng bahay mabilis akong huminto at nagpasalamat kahit hindi pa tapos ang kanta ko. ipinasa ko kaagad ang mic kay Jay-R at sinundan si che.

muli kong narinig ang palakapakan ng mga bisita ni tito. kaya naman sa huling pagkakataon nag pasalamat ulit ako sa kanila. sinundan ko si che papasok na sana ako kaya lang nakita ko na kausap nya si tita cristy. sinasaway nya si che dahip naghuhugas sya ngayon sa lababo. tulad pa rin sya ng dati para lang makaiwas sa isang bagay hahanap at hahanap yan ng paraan para makalayo.

CHERRY POV

Nagulat ako ng may biglang nagsalita,

"anak anong ginagawa mo dito" pag aalalang tanong ni mama

nakangiti akong humarap kay mama

"oh ma, binabawasan ko lang po kalat dito!" pagdadahilan ko

" naku nak bitawan mo yan, asikasuhin mo na lang sila ema sa labas," pagpupumilit ni mama

"sige ma tapusin ko lang to tpos lalabas na ulit ako" pagmamatigas ko

at patuloy pa rin ako sa pagkuskos ng dumi sa kaldero halos panggigilan ko na nga ang kalderong nasa harap ko.

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon