Cherry’s POV
Naramdaman ko na lang na may taong nakahawak ngayon sa baywang ko, tumingala ako para Makita sana kung sino ang taong sumalo saakin, laking gulat ko nang dumikit ang ilong nya sa labi ko, kaya bigla akong napapikit. Parang pakiramdam ko nag slowmo ang paligid ko, napadilat lang ako ng maramdaman ko na dahan-dahan nya akong itinayo.
“naku sir pasensya na po!” biglang nasambit ko at mabilis na tumalikod nahiya kasi ako sa eksenang ginawa ko.
“hello! kamusta? Ayos ka na ba? Long time no see ha!”
ha? Ano daw long time no see? Sino ba sya, hindi ko naman sya kilala eh, saglit ko pinihit ang tingin ko sa kanya, sumilip ako ng bahagya, pilit na iniisip kung kilala ko ba sya… pero hindi talaga eh… muli akong humarap sa kanya.
“ahh..hehehe ayos na po ako salamat po ulit sir”
Muli akong tumalikod at hahakbang na sana ako ng biglang,
“HEY, LITTLE SISTER!”
Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig ko! Tumaas din ang balahibo ko!!! OH SHOOT!!! NO WAY! HINDI PWEDENG MANGYARI TO! SINILIP KO ULIT SYA NG DAHAN-DAHAN…KINiLATIS KO SYA MULA PAA HANGGANG ULO! Tinitigan ko ang mukha nya, nakita ko pa kung paano nya ako kindatan! Kaya muli akong napatalikod.
HALA, ANO BA TO! YUNG TOTOO,
SYA NA BA TALAGA YAN? BAKIT SOBRANG TANGKAD NAMAN NYA, ANG PUTI NYA NA RIN AT ANG GWAPO…naguguluhan pa din ang utak ko ang alam ko lang hindi ko maproseso ng tama ang utak ko.
Ilang sigundo pa, 1.2.3. AHHHHH!!!!! OH MY GOD!!! SI JHOJHO FUGIDO NGA ANG NASA HARAP KO NAGYON…BUMILIS ANG KABOG NG DIB-DIB KO, PAKIRAMDAM KO NGA NABINGI AKO DAHIL HINDI KO NA MARINIG ANG MGA TAO AT TUGTUGAN SA PALIGID KO, TANGING KABOG NG DIB-DIB KO ANG NARIRINIG KO. MASYADO AKONG NAGING ALIGAGA SA PWESTO KO. GUSTO KO TUMILI PERO WALANG BOSES NA LUMABAS SAAKIN.
“CHE!” biglang tawag nya saakin, naramdaman ko rin na papalapit na sya saakin,dahan-dahan akong humakbang papalayo sa kanya, ng bigla na lang nya akong hilahin at tuluyang makulong sa kanyang mga bisig.
Bigla ko syang tinulak dahilan upang makawala ako sa higpit ng yapos nya saakin, ngunit hinawakan nya ulit ang kamay ko at muling niyakap. Halos tulala na ako ngayon sa mga nangyayari saakin.
halos matunaw na ako sa sobrang weird ng pakiramdam ko...hindi ko maexpalin ng maayos.
Kusa na lang lumuwang ang pag-kakayakap nya saakin ng mapag-tanto nya pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.
Aaminin ko hanggang ngayon gulat na gulat pa rin ako.
JHOJHO'S POV
Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko, lalo na ng hindi sinasadyang dumikit ang labi nya saakin, halos hindi na ako makahinga dahil sa tindi ng kabog ng dib-dib ko.
Hinihintay ko ang matinding reaction nya pero, ngumiti lang sya saakin at tumalikod. Oo tama hindi nya ako agad nakilala, kaya naman hindi ko na napigilan na tawagin syang “LITTLE SISTER!”
Nabanaag ko na sa kanya ang matinding pagkagulat! Halos walang lumabas na salita saakin, pakiramdam ko mauutal na ako, tanging pangalan nya lang ang nasambit ko. At dahil sa bugso ng nararamdaman ko hindi ko na natiis na hindi sya yakapin, mabilis ko syang niyakap, yakap ng pangungulila, halos gusto na tumulo ng luha ko! Bigla na lang syang kumawala sa mga braso ko kaya muli ko syang hinawakan sa kanyang kamay at muling niyakap.
Halos wala na akong marinig, pumikit ako at parang sa isang iglap pakiramdam ko kami lang ang tao ngayon dito. Sobrang na miss ko talaga sya. Miss na miss ko sya.
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...