Nagtungo ako sa 3rd floor kung saan located ang office ng negosyo ko dahil may mga pipirmahan pa akong papers, mabilis din ako nag palit ng damit dahil ilang saglit lang eh darataing na si karen at ang mga katrabaho nya.
"hey cherry were on our way na. please bring out the most expensive wine that you have" ito ang bungad n message na nareceived ko kay karen. agad ko hinanap ang pangalan nya sa contact list ko para tawagan,
agad naman nya itong nasagot.
" Hello Ms. karen, wala po akong discount n ibibigay sa wine...sa food lang no," pang aasar ko sa kanya.
"hahaha nagnbabakasakali lang naman ako malay mo makalusot di ba?" oh...malapit na rin kami sige na bye.
ng matapos ang pag uusap namin, bumaba na ako para ipaayos ang isang mahabang table sa isa kong crew para ok na ang lahat kapag dumating na sila dito. mga ilang saglit pa dumating na ang grupo nila karen at nag tatawanan. mabilis ko nang inihanda ang mga pagkain patuloy pa rin sila sa kwentuhan habang kumakain, nakatayo ako malapit sa pintuan ng kusina at tinitignan ang grupo nila karen, bigla na lang ako napabaling ng tingin sa isang lalaki, panay sulyap kasi sya sa pwesto kung saan ako nakatayo, nag aalangan akong tumingin sa likuran ko dahil baka natatakpan ko ang taong gusto nya makita. pero wala nman akong nakitang ibang tao. pagtingin ko ulit sa kanya nag tama ang paningin naming dalawa bigla na lang akong kinabahan at nataranta ewan ko ba bigla akong kinilabutan, parang pakiramdam ko kasi kilala ako ng taong yon, bigla na lang syang tumayo at lumabas ng restaurant nabanaag ko pa ang ngiti nya habang nakasulyap saakin.
ha? anong problema nya?? pinagtatawanan ba nya ako? grabe ha ang lakas maka offend ha...muka ba akong katawa-tawa? buti na lang wala akong narinig na halakhak kung hindi hahabulin ko talaga sya kahit naka labas na sya ng pintuan.
bigla na lang bumalik ako sa ulirat ko ng tapikin ako ni karen.
"hoy anyare kanina pa kita tinatawag para ipakilala sa kanila, pero sa nakikita ko ngayon eh mukang lipad ang utak mo, gusto mo talaga lalapitan ka pa ha" pag pro-protesta nya.
"hahaha ang dami mong wento dyan, may tinignan lang ako saglit no, oh ano nagustuhan nyo ba? bulalas ko sa kanya.
"aba oo naman the best nga eh, hindi ako nagkamali na bulabugin ka, sobrang natuwa sila sa inihanda mo" pangisi nyang sagot saakin
"sige na bumalik ka na don, at baka sabihin nila inaagaw kita sa kanila," pagtataboy ko sa kanya
"naku pauwi na nga rin kami, hindi ka pa ba sasabay saakin?
"hindi na, may dala akong sasakyan pati hindi pa closing no, ingat na lang sa pag mamaneho ha," pagtanggi ko sa kanya.
"ok fine, basta nag paalam na ako sayo ha..."
"oo na"
inihatid ko sila sa pintuan at nag pasalamat sa kanila, halos pasado 12 na ng tuluyan kong natapos ang mga ginagawa ko, umupo ako sa couch sa isang corner at nag iisip lang ako ng kung ano-ano ng bigla na lang sumagi sa isip ko yung lalaking nakita ko kanina.
pakiramdam ko kasi nakita ko na sya before, pero hindi ko lang alam kung saan, baka regular costumer ko, "hay naku bakit ba big deal saakin to" hindi ko na rin namalayan na nakalahati ko na pala ang wine na nilabas ko kaya medyo hilo pa akong tumayo para ligpitin ang wine glass na ginamit ko.
"OMG ano ba itong ginagawa ko, magmamaneho pa ako, praning lang talaga" biglang nasambit ko sa sarili ko,
pinatay ko na ang ilaw at ni-lock na ang pintuan,
gosh nahihilo talaga ako, kaya naman hindi ko kaagad na patunog ang makina ng sasakyan, nanatili lang ako sa loob at nakayuko sa ibabaw ng manobela, habang sinasalat ng kanan kong kamay ang hangin na nangagaling sa aircon ng sasakyan ko. para akong baliw na bigla na lang napaluha ng marinig ko ang kanta ni Jaimie Rivera, dahil sa sobrang tinamaan ako sa mga lyrics nya.
***PANGARAP KA NA LANG BA, O MAGIGING KATOTOHANAN PA BAKIT MAY MAHAL KA NANG IBA, NGUNIT DI BALE NA, KAHIT MAHAL MO SYA, MAHAL NAMAN KITA***
nakayuko pa rin akong pinaglalaruan ang volume ng radio, habang patuloy pa rin akong lumuluha.
"ahhhh ok enough for this!!" biglang basag ko sa kantang pinakikinggan ko
i turn off the radio, at pinunasan ang mga luha ko, huminga ako ng malalim at mabilis na inalis sa parking lot ang aking sasakyan.
naging mabilis lang ang biyahe ko dahil wala na masyadong bumabagtas sa kalsada,
pagdating ko sa condo mabilis akong nagbihis at nahiga sa kama, ramdam ko pa rin ang pag-kahilo.
__________________________********************************_________________________________
Sa mga makakabasa Sana hindi boring sa inyo., salamat ng marami. :)
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...