“DING DONG!..DING DONG!!...DING DONG!!!...TOK…TOK!!! TOK…TOK!!! DING DONG!!! DING DONG!!!
Halos gulat na gulat akong napabangon dahil sa tunog ng doorbell ko, at hindi pa nakuntento sa doorbell, halos gibain pa ang pintuan ko,
Sa pagkakatanda ko wala namn akong pinagkakautangan para sirain ang pinto ko sa pagkatok, halos patakbo kong tinalon ang tatlong baiting ng hagdan para mapag buksan lang ng pinto ang taong bumubulabog sa bahay ko,..
“sandali!!! Andyan na!!!” sigaw ko,
Ngunit patuloy pa rin ang pag doorbell,
“anak ng tipaklong oh!!!” sabay kapit sa noo ko
Dali-dali kong binuksan ang pinto, ngunit walang mukha ang tumambad saakin, kaya naman bhagya akong lumabas upang sipatin kung may tao ba sa corridor,
“Oh SHOOT!!!” malakas na bulalas ko,
Halos mapaupo ako sa gulat at tulak ni Julius at ni dave, sabay narinig ko na may tumawa sa likuran ko, si emma at si bryan, ang sweet couple ng barkada,
“wow ha ang lakas ng tama nyo ha!!! Tama bang gulatin ang taong kagigising lang? ha?” pagsusumamo ko,
Ngunit malakas na tawanan lang ang isinagot nila saakin, mabilis na pumasok si Julius at pasalampak na naupo sa sofa,
Si Julius Dumapias ay sikat na designer halos ilang boutique na nga nya ang biglang nagsulputan dito sa Metro Manila, maging sa bohol at Cebu,ganun ka indemand ang mga designs nya, bukod don, magaling din syang kumilatis sa totoong lalaki at sa mga paminta, isa yun sa mga assets nya na sobrang ikinatutuwa namin.
Walang ano-ano bigla na lang nilundagan ni Dave si Julius sa sofa, parang bata kung mag harutan tong dalawang to!
Si Dave naman o mas kilala bilang Mr. Mark dave Salalila ang in demand na accountant at in-demand na Bussiness consultant, well sya rin ang accountan ko, aminado naman ako na nalulugi si dave kapag kami ang client nya dahil madalas labor of love na lang nag nare2nder nya saaking service, kung magbabayad nman ako binabarat ko pa sa professional fees nya, ganun yun kabait…
Pormal lang na pumasok si Emma pati si Bryan,
si Emma Cahvez ay sikat na modelo, minsan nga si Emma pa ang kinukuwa ni Julius para maging modelo sa mga fashion show na sinasalihan nya, halos pag-agawan na nga sya ng ibat ibang manager para lang maipasok sa showbiz industry, pero dahil sa ayaw nya ng sobrang pag-busisi sa buhay nya ay mas minabuti nyang manatili sa career na napili nya… pero sa tingin namin ganun din ang nangyayari sa kanya, sa dami ba naman ng fans na meron sya eh,
high school pa lang mag-jowa na si Emma at si Bryan, kaya idol naman sila ng lahat dahil sa tagal na nilang mag-kasama, minsan nga niloloko namin sila na subukan naman nilang mag-hiwalay para ma-test lang kung destiny ba talaga sila,,,pero matibay talaga!
Si Bryan Estolas naman ay kilala na magaling sa motorcycle racing, pero sa kagustuhan nyang masubaybayan ang dyosa nyang girlfriend ay nag shift sya sa career na pagiging professional photorgrapher, na tinaggap nman ng mga fans nya,
May tingin sya sa isang bagay na kapag natutukan na ng lente ng camera ay nagiging isang masterpiece na kapag rumihistro na sa picture, talagang hahanga ka,naging in demand din sya sa napili nyang career.
Natatawa lang na naupo ang dalawa,
“pasensya ka na Che ang kulit nitong dalawa eh” wika ni emma
“so ano bang meron at saby-sabay kayong nilipad ng hangin dito.” Bulalas ko habang tinatali ko ang buhok ko
“well it’s bonding time!!!” biglang hiyaw ni Julius,
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...