Masakit ang magmahal lalo na kung alam mong may mahal na syang iba…
mahirap panindigan na kakayanin mong ipaglaban ang pag-ibig na sa umpisa pa lang ay hindi na para sayo…
at dahil nagmamahal ka, wala nang limitasyon! Kahit masaktan ka na mismo ay handa mo parin ituloy ang mga bagay na naumpisahan mo na dahil umaasa ka pa rin….umaasa na baka sa susunod ikaw naman ang prioridad nya, na ikaw naman ang bibigyan nya ng halaga dahil minamahal ka na rin nya…
Nung dumating sya sa buhay ko, agad akong nangarap na sana sya na ang makasama ko sa habang buhay…na sana sya na lang ang lalaking magmamahal saakin…pero dumating ako sa punto na parang gusto ko na sumuko…hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagmamahal na nilaan ko sa kanya…
Natutunan ko na hindi sa lahat ng panahon sumasangayon ang tadhana para sa dalawang taong nagmamahalan…mas madalas ang pagsalungat sa kagustuhan nating mangyari…at kapag dumating na tayo sa punto ng buhay natin ang pagkakataong iyon…madalas na pagsuko na lamang ang solusyon na nakikita natin…
Hindi natin alam na pagsubok lamang iyon para mas lalong mapatatag ang tiwala, pag-unawa at pagmamahal ng bawat isa…
Ang pagmamahal pala ay isang proseso na hindi kailanman magagawan ng teorya, ang pagmamahal ay hindi kilala ang salitang “INSTANT” dahil wala namang instant happy ending.
Minsan kailangan mo lang talagang ipaubaya sa tadhana ang lahat, dahil gawin mo man ang isang bagay o hindi kung ano talaga ang nakaguhit sa palad mo ay syang magaganap.
~~~~~~~~~~~~~~~~~THE END~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...