Alam ko sa sarili ko na bahagyang nakatulog ako dito sa lapag, ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko..ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa mga luhang nailuha ko, dahan-dahan kong sinipat ang oras alas-dos na pala ng hapon, ngunit madilim na paligid na ang rumihistro sa buong kwarto ko, tila uulan ng malakas base sa ulap na nasilayan ko mula sa bintana…
Alam ko sa sarili ko na may nangyari kanina..oo alam ko na ang katotohanan na tumatakbo ngayon sa isip nya…at alam ko na hindi na ako parte ng kahit anong bahagi ng future nya…
He suddenly gave up on me… for the 2nd time, he left me sa panahon na mahal na mahal ko sya… sa panahon na handa na akong tanggapin sa sarili ko na hindi ko pala kayang mawala sya ng tuluyan sa buhay ko.
Ganon pala ang pakiramdam… akala ko kasi wala nang mas sasakit pa sa naramdamn ko noon, yung panahon na iniwan nya ako…mas masakit ngayon dahil alam ko na mahal namin ang isa’t-isa pero mas ginusto namin na maghiwalay at muling kalimuntan kung ano man ang mga nararamdaman namin noon…
Alam ko kung ano at saan ang naging mali…alam ko kung ano ang naging kulang at alam ko kung bakit kami muling humantong sa ganitong sitwasyon…naging mayabang kasi ako, naging kampante ako na kapag ni-reject ko sya alam ko na gagawa pa rin sya ng paraan para habulin ako, naging ma-pride ako sa paraan na hindi katanggap-tanggap…
Maraming SANA ang tumatakbo ngayon sa isip ko.
SANA nung panahon na bumalik sya tinanggap ko sya…
SANA pinakinggan ko kung ano man ang paliwanag na meron sya…
SANA hindi ako naging ma-pride…
SANA gumawa din ako ng paraan para ma-iparamdam na hindi nawala ang pagmamahal ko para sa kanya…
AT
SANA hindi ako sumuko sa kanya…para SANA masaya na kami ngayon…
Patuloy pa rin akong tulala… pilit na pinag-mamasdan ang kisame ng buong kwarto… hindi ko na alam kung ano gagawin ko, parang naging blangko ang isip ko sa mga bagay-bagay… tanging ang pagkakamali ko lang ang tumatakbo ngayon sa utak ko...
bago pa man ako tuluyang bumangon, bumilang ako sa isip ko upang humugot ng lakas para makatayo...
muli akong naupo sa dulo ng kama, habang patuloy na hinihilot ang noo ko, muli ilang segundo na naman akong natulala, hindi ko kasi maiwasan na alalahanin ang mga nangyari kanina...bigla na lang uminit ang mga mata ko, at tuluyan ng umagos ang mga luha ko sa aking pisngi...
ramdam ko ang lamig sa paligid at alam ko na tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan..alam ko na nakikiayon ang panahon sa nararamdaman kong panibugho. tama parusa ko nga to dahil hindi ako marunong mag pahalaga ng mga bagay na meron ako noon.
muli akong humiga sa kama, habang tinatakpan ng isang kamay ko ang mga mata ko upang pigilin ang pagluha. para akong tanga na naghihinayang sa isang bagay na ako naman mismo ang gumawa ng dahilan para mawala iyon...
kung kailangan ng buhay na patunay sa salitang katangahan handa akong iprisenta ang sarili ko para maipakilala sa iba...para mabigyan agad sila ng babala sa mga bagay na maaari maging resulta ng mga maling desisyon nila sa buhay.
kahit may luha pa saaking pisngi mabilis akong tumungo sa CR, naghanda na ako para pumunta sa restaurant marami pa akong dapat gawin, at sana kahit papaano maibsan ang sakit na meron ako ngayon sa puso ko.
habang binabagtas ko ang daan, bigla na lang sumagi sa isip ko ang usapan namin ni Ma'am Kaigoy, magkikita pala kami bukas para pagusapan ang prom night ng school ko noon. muntikan ko na makalimutan na sa friday na pala iyon gaganapin. bahagyang gumihit ang ngiti sa labi ko, dahil malaking tulong ang gagawin kong preparation upang makalimot, alam ko na magiging busy ako.
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romanspaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...