~~ANDREW POV~~
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiisip kung ano ba ang tamang paraan para matulungan ko naman tong kumag kong kaibigan!...araw-araw ba naman lagi kaming lango sa alak...bumabalik na naman tuloy ang mga baby fats ko dahil puro beer na lang ang tinutungga namin.
kaya lang....
Bukod sa ayoko makita ang mabilis na pag dagdag ko ng timbang, mas ayoko naman makita ang kaibigan ko na ganitong kabigo...tulala?! yan ang pinagkakaabalahan nya nitong mga nagdaang araw...yung tipong pagkatapos tumungga ng tumungga...tulaley naman ang sunod na step...
nakakaloko kaya..Pero parang may iba kay Cherry eh..ewan ko ba may pakiramdam ako na hindi totoo ang pinapakitang galit ni nya...alam ko na sa bawat sigaw at galit na pinapakita nya eh may pagmamahal na kasama yun....
at sana tama ang hinala ko...para maisalba ang naudlot na love story nila noon...
"Hello?! Jhojho? oh? saan? ayusin mo kaya yang pagsasalita mo? anak ng tinola...sige hintayin mo ako..." naloko na...lasing na naman sya...bakit kasi hindi ko mahagilap ang tropa...mukang ako na lang ata ang dakila nyang kaibigan...palibhasa tatlo na lang kaming single..ako..si jhoho at si Bob...
Halos gusto ko na paliparin ang sasakyan ko...hindi dahil maluwang ang kalsada kundi...dahil ipit na ipit na ako sa traffic!...
~~~~~~
~~JHOJHO POV~~
Nagpapakalasing ako para sana mawala ang sakit sa puso ko...hindi ko kayang mawala sya saakin...kaya lang hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong gawin para sana..maipakita at maiparamdam sa kanya yun!
masyado na akong nahuli...dahil ngayon sumuko na sya saakin...umalis na lang kaya ako dito..magpapakalayo-layo na lang ako...bumalik na lang kaya ako ng L.A! tutal wala na palang naghihintay saakin...kaya naman ako bumalik dito dahil kay Cherry at dahil sa pamilya ko...
nakakailang shot pa lang ako pero heto! nahihilo na ako...wala talaga akong balak tawagan si Andrew kaya lang kailangan ko talaga ng kausap eh!!..
tumigil ang bandang kumakanta ngayon dito sa bar..yung madilim na paligid kanina at ang mga ilaw na super dark eh napalitan ng romantic view...may isang lalaking umakyat sa stage...habang ang iba eh...patuloy na pumapalakpak...
"Hon! Its been 5 years that where been together...and I realized na I'm ready na para bukasan ang panibagong Chapter ng buhay ko...at gusto ko sana kasama ka sa Chhapter na yun bilang asawa ko.."
"Lara! WILL YOU MARRY ME?!"
may nag-proposed ngayon dito...
tahimik lang akong nagmamasid...at nagiisip...
naramdaman ko na lang na may tumapik sa likod ko...nandito na si Andrew!...
agad syang kumuwa ng beer at umupo sa harap ko...halos nakapatong na ang ulo ko sa lamesa dahil sa hilong nararamdaman ko...
"PARE! IKAKASAL NA AKO! MAGPAPAKASAL AKO!" bigla kong banat kay Andrew..
nakita ko ang pagtawa nya...
"JHOJHO ayos ka lang ba? magpapakasal? ikaw? kanino naman?! Pare pinapaalala ko lang sayo...wala kang girlfriend...basted ka pare..basted ka..."
"Kay CHERRY ako magpapakasal...sa kanya ako magpapakasal...!" pagmamatigas ko..
"Pare! Pag-usapan natin yang kasal mo kapag hindi ka na lasing..."
"Hindi naman ako lasing eh! seryoso ako Pare," paghuhumiyaw ko...
nakita ko na lang kung paano nya hilutin ang noo nya..hindi naman talaga ako lasing eh, nahihilo lang ako..at seryoso ako sa sinabi ko...
pero itong kaibigan ko...ayaw ako paniwalaan...
lumipas ang ilang oras...naging payapa na ang sakit ng ulo ko..nakauwe na kasi ako at nakaidlip na.nanatili lang akong nakahiga sa kama...habang dilat na dilat ang mga mata ko...
"pano ko ba sisimulan ang plano ko? sino ba ang dapat kong kausapin? kanino ako magpapatulong? hindi ako aalis hanggat hindi ako nakakasigurado kung talagang wala na ba!" ito ang mga katagang tumatakbo ngayon sa isip ko...
Kinabukasan...nakipagkita ako ulit kay Andrew...at this time hindi ako lasing...matino ang utak ko ngayon...buti na lang laging game to si Andrew!
nakaupo ako habang tinatapik ang mga daliri ko sa lamesa...sinasabayan ang bit ng tugtog na naririnig ko ngayon...ramdam ko ang positive energy na pumapasok ngayon sa katawan ko...
"Andrew! dito!" mabilis kong winagayway ang kamay ko ng makita ko syang pumasok sa loob ng coffee shop...
"Wow Pare!...sa kape ka naman ba magpapakalango? aba hindi ka malalasing dyaan."
"ang dami mong daldal...kailangan ko ng utak mo ngayon...kailangan ko na ng plano...kailangan ko na magsimula...dahil baka pag pinatagal ko pa to...mas lalo lang akong mahuli!"
"Pare? ano ba sinasabi mo ngayon? hindi kita maintindihan, bakit hindi mo na lang asikasuhin yung mga dapat mong asikasuhin..."
"Ito na nga pare..gagawin ko na nga eh...aalukin ko na ng kasal si Che!" halos maibuga ni Andrew ang kapeng iniinom nya ngayon...mabilis syang kumuwa ng tissued at nakataas ang kilay nya ng tumingin saakin...
"Pare?! seryoso ka talaga kagabi?" pagtatakang tanong nya saakin...habang pakamot-kamot pa sya ng kanyang ulo...
"OO! Seryoso naman talaga ako eh!"
"Kaya lang Pare wala tayong kasiguraduhan...paano kapag hindi ka nya sinagot?! sayang lang ang effort!"
"Pare handa naman ako mag-take ng risk eh! sa totoo lang ayoko muna isipin kung ano ang magiging reaksyon nya..or kung ano ang magiging sagot nya saakin.ang gusto ko lang ipakita sa kanya kung gaano at hanggang saan ko sya kamahal..."
nakatingin lang saakin si Andrew habang nakahawak sa kanyang baba...pakiwari ko eh malalim ang pagiisip na ginagawa nya ngayon...
nakita ko na lang kung paano lumiwanag ang mukha nya ng bigla syang nagsalita...
"Sige Pare I'm in! tutulong ako sayo!..."
"SALAMAT PARE!"
"So.Saan ba tayo magsisimula? paano tayo magsisimula!? kailan mo balak gawin ang proposal mo sa kanya!?"
"Kailangan ko muna kausapin ang mga magulang at kapamilya nya...maging ang mga kaibigan nya...para naman alam at klaro sa kanila na handa akong magpakasal Kay Cherry!!! at sana....sana maging positive ang resulta nito!"
may kaba at takot man akong nararamdaman ngayon sa puso ko...ayoko muna sanang pangunahan ako ng mga negative vibes para naman maging malinaw ang utak ko sa mga planong mabubuo ko ngayon...
lumipas ang kalahating oras na halos tulala lang kami ni Andrew! kanya-kanya lang kami ng isip sa mga ideas na bigla na lang uusbong sa mga utak namin...
"whoaaa! JHOJHO! alam mo wala tayong mabubuo eh...kailangan na naten kausapin kaibigan nya oh kaya sila Zharina...para mabigyan tayo ng idea!" nanatili lang nakasandal si Andrew sa upuan...
"Gusto ko sana may layout na ako bago ako magpakita ulit sa pamilya nya...para hindi naman nila isipin na nagbibiro lang ako..." may diin kong paninindigan kay Andrew...
"YUN LANG PARE!!! dikdikan na to ng asin...hahaha! Order ka pa ng kape inaantok na ako eh! kailangan maging dilat ang mga mata ko!" pagpupumilit ni andrew.....
"OO na! Magpakalunod ka PARE!" napuno ng hagikhikan ang corner namin...
________________________________****************************__________________________
HALO GUYS!!!
ANO NA TAYO?
HEHEHE...
SALAMAT SA MGA NAGBABASA HA....
APPRECIATED PO!!!!!
HAVEY NA HAVEY SAAKIN KUNG KAYO AY MAG IIWAN MAN LANG NG COMMENT O KAYA VOTE NYO NA LANG PO!
SALAMATSI!!!!
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...