FLASHBACK
Wow finally high school na ako, isang ganap na dalaga. Ang saya-saya papasok na ako sa Sagad High School, sobrang ginawa ko ang lahat makapasok lang sa paaralan na ito, hindi dahil sa kalidad ng pagtuturo ditto o sa kahit sa ganda ng mga facilities ditto kundi dahil nandito ang lalaking pinakamamahal ko.
Siya si Jhojho Fugido, tall, medyo dark at super handsome, nagkakagulo ang mga babae sa tuwing dadaan sya sa corridor, halos mangisay sila sa kilig na parang akala mo lahat ng diablo ay nag sanib pwersa para sapian sila, ganun katindi ang dating ni kuya, bukod sa mala Adonis nyang kaanyuan, taglay din nya ang talinong aakalain nyo talaga.
Outstanding sya sa lahat ng subject nila at umaariba din sya sa mga extra-curricular activities na sinasalihan nya. Graduating student na sya kaya naman kya kahit halos isang taon ko na lang sya makakasama sa school ay ok lang, dahil susulitin ko talaga .
Matagal ko nang kilala si kuya Jojo dahil ang mama nya at mama ko ay matalik na mag kaibigan, bukod don magkasama din sila sa trabaho., kaya naman talagang malapit ang pamilya naming dalawa, kahit nga anong occasions eh lagi kami nagiging parte ng buhay ng bawat isa.
Nung bata pa nga kami, kahit lagi nya akong inaasar, hindi ko magawang mainis sa kanya, pag nag katampuhan naman kami, kunting suyo nya lang saakin ay ok na kami agad. Lahat ng ginagawa nya ay talagang nag papasaya saakin.
“hey…hey…hey little sister”, bigla na lang ako nahinto sa pag alala ng nakaraan,
“ o kuya” pagulat kong sagot sa kanya
“naks ang little sister ko eh ganap ng high school student ha,” sabay pisil sa pisngi ko
“ aray naman kuya,” sabay hampas sa kamay nya. “yah right isa lang ibig sabihin non ganap na akong dalaga” pagmamalaki ko sa kanya,
“ naku little sister ha. Bata ka pa. hindi ka pa pwede magpaligaw no, dadaan sila sa mga kamao at palad ko” pagbabanta nya saakin.
“grabe ka ang brutal mo naman, ligaw lang naman ang gagawin ha, hindi pa ako yayain ng kasal” pag pro-protesta ko
“ so umaasa ka talaga na may manliligaw sayo ha? At naku magiging sanggano talaga ako kapag ikaw na at ang mga manliligaw mo ang pinag uusapan, mata lang talga nila ang walang latay,” pagmamayabang nyang sagot saakin
“ang lakas ng hangin ha!!! Mukang kailangan ko ng makaalis baka masira lang ang ayos ng buhok ko dito” patawa-tawa kong sagot sa kanya
“naku sinasabi ko talaga sayo, oras lang talaga, oh sige na, punta ka mamaya sa cafeteria treat kita little sister”
“yah..yah..yah don’t call me little sister dahil dalaga na ako, can’t you see??? Look…look… at paikot ikot akong tumayo sa harap nya..
“hahaha talagang pinag malaki mo yan ha, pambata nyang pang aasar saakin
“tignan mo nga yang katawan mo katawan ng elem. Student…patuloy pa rin syang tumatawa
Bigla na lang akong tumalikod at winagayway ang kanan kong kamay, hudyat na aalis na ako, hindi ko na sya hinarap dahil nasaktan ako sa sinabi nya. Mabilis akong lumakad papalayo sa kanya. Grabe sya hindi nya ba napapansin na sexy na ako ngayon, nag di2et kaya ako para sa kanya, tinitiis ko na hindi kainin ang masasarap na pagkain na inihahanda ni mama para lang maging sexy sa paningin nya tapos…tapos… Grrrr……
Bahala sya hindi ko sya sisiputin, ilibre nya sarili nya,
tulad ng dati, konting suyo nya lang saakin ay naging ok na kami, sobrang mahal ko kasi sya eh, kaya ito bati na ulit kami,.
Lumipas ang mga araw at mas lalong nagiging mas makabuluhan ang mga oras para saakin, dahil lagi ko syang kasama, halos isumpa na nga ako ng mga babaeng patay na patay sa kanya. Who cares? talagang papatayin ko talga sila oras na landiin at harutin nila ang prince charming ko no.
Langit ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sya, halos kapalan ko na nga ang make up ko para lang mapuna nya na gumaganda na ako, pero lagi nya namang pinupunasan ang mukha ko, dahil dinaig ko pa daw ang oslo paper n nilagyan ng heavy duty na oil pastel dahil sa kapal ng make up ko,
Tulad ngayon tinatanggal na namn nya ang make up ko, andito kami ngayon sa isang bench na lagi naming tinatambayan.
Sa sobrang inis ko, bigla na lang akong napasigaw “ginagawa ko to para sayo!!!”
Nagulat ako sa mga nasabi ko, bigla syang huminto at tinignan ako sa mga mata, bahagyang napalunok ako, para akong napako sa kinauupuan ko, mabilis nya ring iniwas ang tingin nya saakin, at tinapon ang tissue na kanina pa nya hawAK.
Bigla na lang syang ngumiti at nag salita “ ikaw talaga mahilig ka magbiro ha, wag kang ganyan baka patu….”
“Jojo!!!” biglang basag sa pag sasalita ni kuya, si kuya Andrew pala, isa sa mga kaibigan nya, kasalukuyang kasama nya ang buong barkada nila.
“ano na naman yan pare, pinagagalitan mo na naman yang batang yan? Biglang tawa ng pang aasar
“naku kuya Andrew, wag kang epal dyan,” inis kong sagot sa kanya,
Mabilis akong tumayo sa pag kakaupo ko at padabog na umalis,
Masyadong nabulabog ang ego ko, dahil maging sa mata ng mga kaibigan ni kuya bata pa rin ako, “ano bay an kelan ba ako tatanda?” biglang bulong ko sa sarili.
__________________________________****************************___________________________________
masyadong mahaba ang flash back nito.....meron pa sunod na part... sana hindi kayo tamarin na basahin ito>>>> maraming salamat sa mga patuloy na nag babasa.....may nagbabasa nga ba? hahaahaha bago pa kasi, messsage in advanced na....
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romansapaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...