CHAPTER 11

56 1 0
                                    

Si Karen ang naghatid saakin sa condo, halos 4:30 na ng umaga nung makarating ako sa tapat ng pintuan ko, may mga nakita pa nga akong bills at tatlong paper bags,

Mabilis ko iyong dinampot at nilagay sa ibabaw ng lamesa ang mga bills at ang tatlong paper bags ay nilagay ko sa gilid ng sofa.

Tumungo na ako sa kwarto, nagpalit ng damit at natulog na.

Kinaumagahan sobrang sakit ng buong katawan ko, hindi nga agad ako naka bangon, nanatili lang akong nakahiga sa kama, ngunit ng mapagtanto ko ang kalat ng kwarto ko, mabilis akong bumangon at nagpasyang maglinis, super disaster na kasi talaga eh.

Nagpalit ako ng sapin sa kama, at sa unan, inipon ko lahat ng damit ko for laundry at nagtanggal ng mga alikabok.

Bit-bit ko ang laundry basket habang pababa ng hagdan, napansin ko ang tatlong paper bags na nasa gilid ng sofa, napaisip ako kung ano ang laman noon, ngunit  mas minabuti ko pang unahin tapusin ang mga Gawain sa paligid ko.

Mabilis kong tinungo ang lababo at nag linis ng mga pinag gamitan pa nila kahapon, hindi na ksi nahugasan dahil sa pagmamadali naming makaalis.

Ng matapos, ako nag handa na ako ng pagkain para sa pananghalian ko, tulad ng pang araw-araw ko ng ginagawa mag-isa na naman akong kumakain sa hapag. Nakakaboring na nga eh.

Muli na naman akong napabaling sa mga paper bags, dahil sa sobrang naintriga na ako, dinala ko na lang ang pagkain ko sa sala, binuksan ang radio at isa-isa kong sinalansan sa harap ko ang mga paper bags,

Kinuwa ko ang isang paper bag na brown at dinukot ang laman noon, isang Chopping Board, hinanap ko kaagad ang card, Kay Mrs Lim galing, nagpunta kasi sya sa Bali Indonesia, isa sya sa mga loyal costumer ng aking restaurant.

Ang laman naman ng pulang paper bag ay, ang mga hiniram kong photo album kay ate zharina, malapit na kasi ang birth day ni papa, gagawa ako ng cake at naisip ko na humanap ng pwedeng pagbatayan na litrato para naman talagang personalized ang cake na gagawin ko. Isa to sa mga surprised ko kay papa.

Ang sumunod naman ay paper bag galing sa boutique ni Julius, ito yung damit na binili ko kagabi sa kanya, dahil sa hindi ko naman talaga gusto yung damit, hindi na ako nag effort buksan yun.

Tumungo na ako sa kwarto at kinuwa ang sketch pad ko at sinimulan ko na ang paggawa ng designs para sa cake ni papa, kailangan paghandaan dahil matagal na naming pinapalano to magkakapatid.

Limang photo album pala ang nakalagay dito, sobrang dami naman, sa pangalawang album ay nakakita na ako ng magandang pic. Ni papa,nagsimula na akong gumuhit habang nakikinig ng music, tamang soundtrip lang.

Maya-maya nag ring ang phone ko,

“hello?”

“Ma’am may delivery po dito sa baba, galing po daw kay Mr. Julius Dumapias,

Nagtaka ako kung ano yung pinapadeliver ni Julius eh nandito na naman yung damit na binili ko.

“ah, sige kuya paki guide na lang yung delivery boy, salamat”

“ok po ma’am”

Maya-maya pa may nag doorbell na.

“goodmorning po ma’am, ito na po yung damit na binili nyo po sa boutique ni Mr. Dumapias, paki sign na lang po dito.”

Nagtataka pa rin ako kung bakit dalawa na ang paper bag na nandito ngayon saakin.

Ng makaalis na ang delivery boy, mabilis kong binuksan ang paper bag na inabot saakin ng delivery boy, ito nga yung damit na binili ko,

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon