CHAPTER 8

53 0 0
                                    

:)

_________________________*******************************___________________________

Habang nakaupo ako sa gitna ng stage ramdam ko kung gaano ka excited ang mga estudyanteng nakapaligid saakin, halos lahat ay ngiting-ngiti habang nagpapakuwa ng litrato sa mga decorations na meron ngayon sa paligid.

oo, bukas na kasi ang Prom night, kaya nga ako nandito ngayon ay dahil tumutulong ako sa pag de2corate...

isa ako sa mga members ng student council kaya kahit 1st year pa lang ako, required na pumunta ako sa Prom bukas, ngayon pa nga lang medyo badtrip na ako, dahil malamang sa malamang kailangan ko magsuot ng gown or dress,,,

matagal ko na kasi inalis yun sa sistema ko,,,

bigla ko na lang narinig ang bulungan ng mga estudyante malapit saakin, sa tono pa lang ng mga boses nila, ramdam ko na nasa paligid lang si kuya jojo,

nagpatuloy lang ako sa pag-gupit ng mga colored paper at foil, patay malisya lang ang peg ko....malamang hindi naman ako ang pupuntahan nya dahil ngayon nasa harap ko lang ang girlfriend nya,

Yup!!! member din sya ng student council, Si ate Marie Cris lang naman ang President.

bumuntong hininga lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko, ng biglang may umagaw sa sumbrelo ko, muntikan ko na magupit ang balat ko sa kamay dahil sa pag kagulat.

bigla na lang bumulaga sa harap ko si kuya,

at nag pakawala ng isang matamis na ngiti habang suot ang bagay na inagaw nya saakin,

"please lang tigilan mo yang pag-papacute mo"bulong ko sa sarili ko

dahil magaling ako umarte,

walang ka rea-reaction na tumayo ako at kinuwa sa ulo nya ang sumbrelo ko,,

mabilis kong dinampot ang karton na nasa harap ko at tumalikod sa kanya,, umalis ako ng walang sali-salita,, 

inilipat ko ng lalagyan ang karton na hawak ko, at tinungo ang bag ko, mabilis ko yung dinampot at nagmamadaling lumakad, halos madapa-dapa pa nga ako,,,

narinig ko na tinawag ako ni kuya, lumingon ako saglit, nung makita ko na tumatakbo sya papunta saakin, mabilis akong kumaripas ng takbo, at sumakay ng tricycle,,,

shocks..ano ba naman to si kuya,,,hindi nman tlaga ako sumasakay pag umuuwi eh, pero dahil gusto ko makaalis agad,, heto at nagbibigay na ako ng byad sa driver...

eh bakit pa kasi ako magtatagal doon? para ano? para makipag plastikan sa kanila? para makipagkwentuhan at makipagtawanan? bitter kaya ako!!! kaya tama lang ang ginawa ko,

habang nakahiga sa kama., pinagmamasdan ko ang damit na susuotin ko bukas sa prom, naisip ko lang naman na mas magiging special siguro ang damit ko kung si kuya ang nasa tabi ko,  oo hanggang ngayon umaasa pa rin ako.,pero aware naman ako na hanggang imahinasyon lang ang lahat...na kahit kailan hindi ito magiging parte ng realidad..

naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking mga mata, hudyat yun upang muli akong lumuha..ipinikit ko lang ang aking mga mata upang tuluyang pakawalan ang likido sa aking mga mata, 

bigla na lang tumunog ang cellphone ko, kaya naman pilit ko yung inabot mula sa side table ko, 

"che usap tayo!." nanlaki ang mga mata ko, galing kay kuya jojo

 mag-uusap? kami? ano pag-uusapan namin,

kahit alam ko sa sarili ko na marami akong gustong sabihin pero wala naman akong lakas ng loob para isiwalat sa kanya ang lahat...

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon