Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang pag-kasilaw dulot ng liwanag ng araw na pumasok sa bintana ng aking kwarto, pilit kong iminulat ang aking mga mata, uminat ako na tila ba matagal na oras akong nakatulog. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko kaya naman hindi ako agad nakatayo nanatili lang akong nakahiga habang dilat na dilat na ang mga mata ko.
11:30 ang oras na rumihistro sa wall clock na naka sabit ngayon sa pader, masyado na palang tanghali ngunit heto at nakatihaya pa rin ako.
Ng makahugot ako ng sapat na lakas ay mabilis akong bumangon, nagtungo agad ako sa C.R pag-harap ko sa salamin doon ko lang napagtanto na hindi na pala ako nakapag palit ng damit kagabi.
nagpasya na akong maligo, nagbihis ako ng isang malaking t-shirt at nagsuot lang ako ng jogging pants, painat-inat pa akong bumaba ng hagdan habang dinig na dinig ko ang tawanan ng mga tao sa sala.
Nakita ko sila papa na nanonood ng videos na kuha kagabi, kaya naman mabilis akong umupo sa tabi nila.
Puro tawanan at hagalpakan ang naririnig ko sa kanila ngayon habang si Jay-R ay abalang-abala sa pag control ng remote.
Ilang clip pa, (PAK!)
Biglang nanlaki ang mata ko ng Makita ko na nahagip pala kami ng camera ni kuya habang tinutulungan nya akong makatayo dahil nga sa muntikan na akong matumba.
pinqgpawisan ako sa nakita ko at...
Bahagya akong napatingin sa mga taong nasa paligid ko ngunit wala silang tingin na pinukol saakin kaya naman nakahinga ako ng malalim hindi nila iyon napansin.
Nagulat na lang ako ng marinig ko si papa na nagsalita.
“nak, anong oras ka babalik sa condo mo?”
“ah, maya pa po ako aalis mga 4pm, didiretso na lang po ako sa Restaurant,may dala pa naman akong extrang damit eh, nakapag-pahi…” bigla na lang akong napatigil sa pag sasalita at napabaling sa cellphone ko ng tumunog iyon.
May nagtext,
“Che, pwede ba tayong magkita mamaya?”
Napaisip ako kung makikipagkita ba ako sa kanya? Wala naman kaming dapat pag-usapan eh, kaya naman hindi ako agad nagreply, ibinalik ko lang sa bulsa ang cellphone ko at nagpatuloy sa panonood ng videos.
Maya-maya pa, bigla na lang lumabas ang clip nung kumakanta na si kuya, bahagya akong napalunok at biglang tumayo tumungo agad ako sa kusina habang pinapakinggan ang boses nya, bahagya ko nilingon ang pamilya ko sa sala ngunit nanatili pa rin silang na nonood.
Kunwari uminom lang ako ng tubig, at ng lumabas ako ng kusina nakita ko na nakatingin saakin si mama, ngumiti lang ako at umakyat ng kwarto. Hindi ko alam kung pano ko haharapin sila mama, nahihiya ako dahil sa mga ginawa ko kagabi.
Pumasok ako muli sa C.R at inilalagay ko na sa paper bag ang mga nagamit kong damit kahapon ngunit sadya kong iniwan sa laundry basket yung damit na binigay saakin ni kuya, wala akong balak dalhin iyon pabalik ng condo. Iniwan ko naman sa ilalim ng lamesa yung sapatos na kasama non. Super bitter lang ako kaya naman hanggang ngayon ganito pa rin ako mag inarte.
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...