Patuloy pa rin ako sa pag sunod sa kanya, kahit saan sya pumunta lagi akong nakabuntot. Lumipas ang ilang araw, nagtataka ako bakit hindi ko na sya matyempuhan, mukang busy na sya masyado dahil malapit na matapos ang taon, at next year graduation na nila,
Oo ganun nga kabilis lumipas ang panahon, pakiramdam ko mauubusan na ako ng panahon, konting kunti na lang iiwan na nya ako mag isa dito, kaya naman kailangan ko na gumawa ng paraan para kahit papaano eh, magkaroon sya ng hint, sa kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.,
Bumalik ako sa ulirat ng Makita ko na palabas na sya ng class room, patakbo akong lumapit sa kanya, at walang sabi-sabi na bigla ko syang niyakap, gulat ang nabanaag ko sa kanyang mga mata, kahit ako man ay nagulat sa ginawa ko, hindi talaga ako nag iisip, na-miss ko kasi sya ng sobra,
Mabilis ko din naman inalis ang mga kamay ko dahil narinig ko ang hiyawan sa paligid at si kuya Andrew pa ang nangunguna sa pag hiyaw, “gosh ano b tong ginawa ko” bulong ko sa sarili.
“ahm…uhm kuya jo, kmusta? Mukang busy ka na ha., bibihira na lang kita makasama ha, “ pagtatakang tanong ko sa kanya habang nauutal pa ako sa pag bigkas,
“ oo cherry medyo busy nga ako, malapit na kasi ang mga deadlines ng mga projects naming, malapit na rin kasi ang graduation, oh sige pano ba yan mauna na ako sayo” pag-uumiwas nyang sagot saakin.
Bigla na lang tumaas ang mga balahibo ko, pakiramdam ko kasi parang nabasted ako sa pag uusap naming yon, bigla na lang kasi syang umalis, at nakakapagtaka na Cherry ang tinawag nya saakin nasan na si little sister? Ang gulo talaga ng utak ko, dati ayoko na tianatawag nya akong little sister, pero ngayon, ganito pala ang impact saakin,
Matagal kaming hindi nag sama tapos parang hindi nya ako na-miss, sobrang nagtataka ako sa kanya, bigla ko na lang naisip na siguro nakukulitan na sya saakin, or naiinis na sya pag kasama ako, or worst baka bukod sa studies nya may pinagkakaabalahan pa syang iba? You know love life, Gosh wag nman po sana,
Hindi ko kakayanin kapag tuluyang nyang pinagpatuloy ang pag-iwas nyang to, nasanay ako na sya lagi ang kasama ko.
Bumilang pa ng dalawang lingo, as in hindi ko sya nasubaybayan ng todo dahil hindi ko na sya naaabutan sa classroom nya, kahit sa cafeteria ay hinndi ko sya nakikita, nagbabakasakali din ako na baka pumunta sya sa favourite area naming, pero wala din sya,
Ngayong araw na to ay foundation day na. walang entry ang section namin dahil marami nang booth ang tinayo ng mga 4th year student, inisa-isa koa ang mga booth para mahanap lang sya, napansin ko na lang na dagsa ng mga kababaihan ang marriage booth, naisip ko lumapit doon para ipalista ang name naming ni kuya, tutal malakas na ang loob ko para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko eh, at kapag nailista ko ang name namin, sial na ang maghahanap kay kuya para saakin,
Habang papalapit ako ramdam ko ang kilig ng mga babae sa paligid ko, ganun na lang ang pag kagulat ko ng Makita ko si kuya jojo sa tabi ng altar at nakasuot ng damit ng pare, “SHOCKS!”
Bigla kong hinanap si kuya Andrew, malamang dawit na naman sya dito eh, baka nga sya pa ang may gawa nito eh,
“kuya Andrew!!!” pasigaw kong hanap sa kanya
“Che andito ako, bakit k aba sumisigaw dyan, may ikinakasal kaya dito,”
Dahan-dahan ankong lumapit sa kanya at biglang kinurot sa tagilirann,
”ano naman pumasok sa isip nyo bakit si kuya jojo ang kinuwa nyong pare huh???’”
Ililista ko pa naman ang pangalan namin dito eh, nakakainis ka naman kuya Andrew kahit kalian eh, wala kang pakisama,”
“hay naku nakikita mo ba lahat ng babaeng nakapalibot dyaan? Ganyan kadami ang gustong mag pakasal dyan sa kuya jojo mo,” bulalas nya saakin
“ayaw mo non, kikita ang booth nyo??? Sambit ko
“naku nakakasawa nman kung sa iba’t ibang babae namin ipakakasal yan si jojo, halos nag makaawa nga rin kami sa kanya na sya na ang mag pare eh,” pabulong njyang sagot saakin
“wala na ba akong magagawa kuya para kahit saglit eh palitan mo sya?” pagpupumilit ko,
“pumunta ka na lang sa ibang booth ok, nag papantasya ka na naman eh, sige na marami pa akong gagawin” at bigla na lang sya naglaho sa harap ko
Padabog akong lumakad paalis salikod ng booth nila, pagpunta ko sa harap nagtaka ako at biglang nawala ang bugso ng tao kanina dito, tumingin ako malapit sa altar pero hindi ko nakita si kuya, kaya mabilis ulit akong umikot sa ibang booth, muli ko syang hinanap ung saan-saan pero hindi ko sya Makita, umupo ako sa bench malapit sa isang puno, huminga lang ako ng malalim, ganun na lang ang pagkagulat kong Makita ko ang ilang babaeng nagtatakbuhan papunta sa jail booth, nakita ko pa nga sila caroline na nagpupumilit mag pakuulong sa loob, mailis akong tumakbo papalapit sa kanila, natanaw ko na lang na nakaupo si kuya sa loob, habang abalang abala ang ilang mga babae sa loob na kumukuwa ng litrato,
Badtrip naman oh..teka nga,
Mabilis kong gianawa ang lahat ng violations para lang maipasok sa loob, aba’t bakit walang pumapansin saakin? “Jazz! Nakagawa na ako ng violation oh, bakit hindi mo pa ako kinukulong?” pagpro2testa ko sa kanya,
“ naku cherry hindi na pwede eh, ang dami na kasing tao sa loob, nagpahuli din sila para lang makasama si jojo sa loob,” pagpapaliwanag nya,
“bakit naman kasi sya nandyan sa loob? Pagtatakang tanong ko,
“ewan ko ba dyan kanina pa yan tulala eh, mukang malalim ang iniisip kaya hindi nya napnasin ung color coding sa floor, naapakan nya kasi yung kulay na hindi dapat tapakan, kaya yan andyan sya, at nagulat na lang kami nang biglang dinagsa kami ng tao dito, ginawa din nila ang lahat para makapasok sa loob,” pagpapaliwanag nya habang habol hininga pa syang nagsasalita,
Wow tulad ko mautak din sila, napangisi na lang ako habang kinukuwa ang wallet ko,
“sige tutubusin ko na lang sya, babayaran ko na lang ang penalty” pagmamayabang kong inabot ang 50 pesos,,
“hindi 50, 100 po, high profile kasi sya" sabay tumawa si jazz
aba't pinagkakatian pa nila ang mahal ko ha, syempre nasaisip ko lang yun.
"ah ok sige" inabot ko na ang pera kahit 20 pesos na lang ang natitira sa wallet ko, naku matinding pagtitipid to, napalitan naman ng ngiti ang mga labi ko ng makita ko si kuya na pinakawalan na ni jazz...
ganun na lang ang pag kagulat ko ng biglang.....
_____________________________*****************************************___________________
kung sa tingin nyo p na kahit papano eh, karapat dapat i-vote an gawa please do so... thank you.... mag comment na rin kayo malaki po ang maitutulong nyo sa pag improved ng gawa ko.... salamat sa lahat......sobrang masaya na ako kahit umabot lang sa sampu ang makatagpo nito, nagtry2 p lang naman ako... kaya un....maraming salamat uli.
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...