CHAPTER 21

43 1 0
                                    

kung pag-kahilo lang ang pag-uusapan, kotang-kota na ako...pakiramdam ko papel na ang katawan ko dahil sa kawalan ng lakas para makatayo mag isa...pakiramdam ko lumilipad na ang katawan ko sa hangin...

"ikawww! hanggang kelan mo ba ako tatalikuran ha! mag salita ka...(sabay tungga ng tequilla) oiiii!!! wag kang umalis...kausap pa kita....halika nga dito kuya jo!!!" sa totoo lang hindi ako sigurado kung si kuya ba ang kausap ko ngayon...basta lahat ng dumadaan sa harap ko hinihila ko at pinipilit silang makinig ng masaklap na kwento ng buhay pagibig ko...

"bakit ba kashi!!!! bakit ba kashi ako shayo nagkagustooo!!! mahal kita noon pero shabi mo hinde mo ako mahal...tapos darating ka shashabihin mo mahal mo ako noon at ngayon? tapos wala ka naman...ang gulo mo...shobrang gulo..."

PAK! bigla na lang bumagsak ang ulo ko sa counter...kahit masakit ang noo ko nanatili pa rin akong nkayuko...at hinayaan ang mga mata kong lumuha...

"ahhh....ahhhhaaaa...huhuhuhu...mahal kita jojo!!! mahal kita! bumalik ka na naman saakin oh!!!"

napalunok na lang ako ng mapagtanto ko na wala nang alak sa harap ko..

"manong! pahinge pa nga ako ng isang baso! ay isang tasang alak, Ooopsss...isang bote palang alak...may ritwal pa akong ginagawa..."

"naku ma'am lasing na po kayo...hindi nyo na po kaya.."

"NOooo! no I'm not!!! hindi pa ako lashing...I'm strong...brave...smart and...and failure? oh SHOOT of course I'm not!!!

tumayo ako at lumakad ng pasuray-suray...gusto ko sana kausapin ang isang waiter hindi kalayuan sa inuupuan ko...

"excuse me that's mine! order ko yan...paki dala na lang doon..(sabay nguso sa pwesto ko)...muli akong lumakad pabalik sa pwesto ko pero bago pa man ako makarating para na lang akong nalantang gulay na bumagsak sa floor..mukha ko kaagad ang tumama at ang noo ko ang nakalasap ng matinding sakit...pero pinilit ko ulit tumayo sa tulong din ng waiter at pakapit sa upuan na naglakad...

mabilis kong kinuwa ang cellphone ko sa gilid ko nag dialled ako ng no.

"hello!!! ikaw ba ang manager? bakit ang damot ng mga tao nyo dito??? pati alak pinagdadamot...nagtayo pa kayo ng bar kung ayaw nyo naman mag painom...hello!!!

hindi pa man ako natatapos na mag sermon bigla na lang inigaw ng isang lalaki ang cellphone ko..

"oi..ibalik mo yan saakin!!! pinagagalitan ko pa yan!!!" sabay bagsak na naman ng mukha ko sa counter..

"hello po, magandang gabi...marahil po kilala nyo po ang may ari ng cellphone no. na ito..lasing na po kasi si ma'am, hindi nya na po kaya dalhin ang sarili nya...kanina pa po sya nandito..baka naman po pwede nyo po daanan dito...sa Jurrasic bar po ito...sa pasay..salamat po..."

"ang dami-dami mong sinasabi...manager mo kausap mo ui!! tapos inuutusan mo pa..hala ka dyan mamaya... nakayuko pa rin ako sa counter habang nagsasalita..

kinuwa ko ang tira-tirang lemon upang ngatngatin at sinimot ang alak na nasa bote... bigla na lang may humila saakin...sinisipat ko ang itsura pero hindi ko maaninag kung sino...dahil sa tindi ng hilo ko.

"tara sayaw tayo miss!"

"bitawan mo ako! si jojo lang ang mahal ko...si jojo ka ba?" pilit parin akong hinatak dahilan upang mapatayo ako sa pagkakaupo ko...

"sinabi nang si jojo ang gusto ko eh!"

"ako nga to si jojo!"

hawak-hawak na ako ng kausap ko sa baywang ko at akmang lalakad na sana ako para sumama sa kanya...

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon