Mabilis akong humiwalay sa kanilang tatlo, bago pa man ako tuluyang makalayo nakita ko pa ng lapitan ni kuya jojo si kuya Andrew, malamang tatanungin nya pa rin si kuya Andrew kung bakit pumunta sila ni ate Marie Cris sa bahay namin, kaya naman mabilis pa sa alas dos ang pagkaripas ko ng layas,
Nagtungo agad ako sa assigned area saakin, nandito ako ngayon sa catering area, tinutulungan ko ang mga staff sa pag-sasalansan ng mga plato, kutsara, tinidor at mga baso. Sa madaling sabi utusan ako sa lugar na ito,
“sana hindi na lang nila ako pinag gown kung mag-sisilbi lang naman ako dito” pagrereklamo ko sa sarili habang abala ako sa pagkuwa ng mga yelo.
Ilang saglit pa nagsimula na ang program, sobrang saya ng atmosphere, malakas na tugtugan ang sumabog sa buong paligid, nakakasilaw na spotlot ang patuloy na sumasayaw habang sumusunod sa rythym ng tugtugin.
Kasalakuyang nakaupo ako sa likod na mahabang lamesa ng masulyapan ko ang mga babaeng sobrang kinikilig samantala ang iba naman ay nakasimangot, sinundan ko ang kanilang tingin, nakita ko na lang na nakatitig pala sila sa pwesto nila kuya jojo, sila lang ni ate marie cris ang magkasama,
Sobrang nag-iinarte pala kasi si ate Marie Cris, meron pang paiyak-iyak, para ano? Para mapansin sya ni kuya?,Para makuwa ang attention ni kuya?! Ganun? Eh Kung tutuusin nga nasa kanya na naman ang buong atensyon ng madla..
Dyosko ha super artista lang ang peg nya,
At syempre super yamot na naman ako dahil sa ginagawa nya, hindi na sya naubusan ng kadramahan.
Sana sya na lang ang nag MC at hindi ang Vice nya, sya kaya ang President, malamang siguro dahil naisip na nya na kapag iniwan nya si kuya eh, maaagaw ng iba, maraming lalapit dito at mawawalan sya ng eksena.
Sobrang nakakairita talaga hai naku naman!!!
Maya-maya pa tinawag na ang lahat para sa kutilyon, isa-isang tinawag ang mga estudyanteng kalahok at ang kanilang mga kapareha,
Nanonood lang ako habang sinusundan ang isang tao,
Siguro sobrang saya nya dahil kasayaw nya ang taong pinakamamahal nya,
Ramdam ko ang pag-gilid ng mga luha ko, wala akong karapatan na alisin ang nag papaligaya sa kanya, wala akong karapatang ipagkait sa kanya ang mga bagay na magbibigay ngiti sa kanya. Mabilis umagos sa pisngi ko ang mainit na likido na nag mula saaking mga mata… dali-dali kong pinunasan yon, para maitago ang totoong nararamdaman ko, mahirap na baka may makakita pa saakin,
Halos tulala akong pinapanood ang mga nagaganap sa harap ko, nakayakap na si ate Marie Cris kay kuya habang patuloy na umiiyak.,
“Hai naku hindi pa rin pala sya tapos”, biglang bulalas ko habang naka kapit sa noo ko.
Bumalik lang ako sa ulirat ng Makita ko na tapos na ang kutilyon, mabilis akong nag ayos ng sarili at lumapit na sa isang staff upang magtanong kung ano na nag gagawin ko,
Dahil pagkatapos ng kutilyon hudyat yun para mag-served na ng mga pagkain.
Nag-silapitan na ang mga estudyante at ang ilan ay naka pila na sa catering area, ako an gang naka assigned para mag abot ng mga plato,
Nakita ko ang grupo nila kuya jojo na papalapit na sa catering area unting distansya na lang, kaya naman sobrang nataranta ako, nabitawan ko pa nga ang platong hawak ko at nabasag yon, dahilan upang pangtinginan ako na mga tao, mabilis kong tinapik si betty para sya muna ang pumalit saakin,
Mabilis akong yumuko at isa-isa dinampot ang mga bubog na nakakalat sa semento, lumapit din ang isang staff para tumulong saakin, nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko,
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Roman d'amourpaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...