CHAPTER 23

35 0 0
                                    

"HELLO, CHERRY?" nag pakawala ako matinding hangin sa bibig ng marinig ko na boses ng isang babae  ang nasa, kabilang linya...

"YES PO...SI CHERRY NGA PO ITO, SINO PO SILA?"

"NAK! si Ma'am Kaigoy mo to..naalala mo pa ako nak?.."

"Ma'am naman...syempre po naalala po kita...kamusta na po? masayang turan ko sa kausap ko...sya ang favorite adviser ko nung high school...bigla ko na lang tuloy na aalala nung una namin nakilala si Ma'am Kaigoy...galit na galit sya saamin dahil mahilig kami tumambay sa labas ng room ng mga 4th year students...dinaig pa daw namin ang mga magulang...kaya naman nung naging adviser ko na sya kilalang-kilala na nya ako...ang mga kasama ko noon eh yung mga babaeng may mga sinisilayan din at ang ilan ay  kay kuya nakatunganga...

"ayos lang namana ako, naku  nak malapit na kasi ang prom night dito sa school mo dati...ako kasi ang naka assigned sa pagkain ng mga bata...balita ko kasi nag ca-cater daw ang restaurant nyo...pwede ba kayo na lang nag mag cater saamin? ok lang ba?"

"Ma'am, malamang ok na ok po saakin iyon...kelan po ba?"

"nak sa sususnod na friday...hindi pa sa darating na friday ha..sa susunod pa! two weeks from now... kaya ba?

"kakayanin ko yan ma'am ako po ang bahala"...

"gusto mo pumunta ka sa monday sa school para makapag usap tayo!"

"ok po saakin yun ma'am pupunta po ako sa monday"

"sige nak salamat ha...hintayin na lang kita..yun lang naman may klase pa ako..mag kwentuhan na lang tayo pag nagkita tayo.."

"hahaha...sige po Ma'am, maraming salamat po sa pagpili saamin..."

"ikaw talaga! sige na bye..."

bigla na lang gumuhit ang ngiti sa labi ko ng matapos ang usapan namin...nakaka miss din ang school ko dati, biruin mo yun ako ang kinuwa nila para mag cater..naalala ko pa..utusan lang ako noon...

mabilis kong hinawi ang buhok ko at di sadyang napasama sa hagod ang gasa na nasa noo ko..

"oh SHOOT! Ouch! aray!aray!"

muli na lang bumalik ang isip ko sa sugat ko na nasa noo ko...oo nga pala..yung kaartehang ginawa ko kagabi...hanggang ngayon blanko pa ako sa totoong nangyari kaya naman bigla na lang akong nabwisit.

mabilis ko nang pinaandar ang sasakyan ko, muli na naman bumalik ang pagkalito sa utak ko...ng makarating ako sa condo..pasalampak akong napa-upo sa sofa...at sinubukan ko ulit syang tinawagan...ngunit hindi nya pa rin ito sinasagot...oo si kuya nga ang tinatawagan ko...si jojo na pa importante....

inis na inis akong lumakad paakyat ng kwarto...at mabilis na bumagsak sa kama...pipikit na sana ako kaya lang bigla na lang akong naaburido ng maamoy ko ang alak na nakapit sa damit ko..kaya naman mabilis kong tinali ang buhok ko at nagtungo sa C.R...maliligo sana ako kaya lang ng makita ko sa harap ng salamin ang sugat na nasa noo ko bigla na lang akong napapaatras sa pagligo dahil sa sobrang pamamaga ng sugat ko... halos mag kulay talong na nga ang paligid nito...

iling na lang ang naging tugon ko. nag half bath na lang ako at ng  matapos ako ay mabilis akong nahiga sa kama...gusto ko pa bumawi ng tulog dahil pakiramdam ko antok na antok pa ako...ngunit pilitin ko mang makatulog  ayaw naman bumigay ng mga mata ko...dahil mas matimbang ang kirot ng sugat ko...

"ano ba nangyari sa bar kagabi? may nagawa o may nasabi ba akong hindi katanggap-tanggap kaya nakatikim ako ng ganitong sugat? ang sakit kaya!...

bigla na lang ako napabalikwas ng bangon ng maalala ko na natumba ako sa semento at may tumulong aaking bouncer para makatayo..

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon