CHAPTER 26

43 1 0
                                    

"Dolly, ano ok na ba lahat? wala na ba tayong naiwan?!"

"Ok na po ma'am nailagay ko na po lahat sa likod yung mga dadalhin po natin"

Bago ko pa man tuluyang paandarin ang sasakyan narinig ko na lang na tumunog ang cellphone ko, si ma'am Kaigoy...

"Hello ma'am,"

"yes Cherry mga what time ka ba pupunta dito? diretso ka na lang sa guidance ha, andon din si ma'am josefa..."

"sige po ma'am, paalis na po ako ngayon dito sa restaurant, hindi ko lang po alam saktong dating po namin dyan."

"hintayin na lang kita ok...bye"

naging paspasan ang naging byahe kahit medyo naipit ng kaunti sa traffic, nakahanap din ako agad ng parking ng kotse ko, isa-isa namin hinakot sa loob ng guidance office ang mga pagkain, nagulat pa nga si Ma'am Delfina dahil hindi nya inaasahan na may mga pagkain akong ipapasok sa loob...

"Hi Ma'am Delfina, kamusta po? ako po yung kinausap ni Ma'am Kaigoy para po mag cater sa event po ng school,"

"Ah! ganun ba? maupo ka muna iha, nasa room pa ata sya eh,"

"Ma'am nag dala po ako ng mga pagkain, kumain po muna kayo"

"Naku nag abala ka pa, salamat sa pagkain,"

"Ayos lang po ma'am,"

kinuwa ko ang cellphone ko at abalang hinanap sa contact list ko ang pangalan ni ma'am Kaigoy, habang naririnig ko ang pag-ring sa kabilang linya may kung anong kilabot at kaba na pumasok sa buong kalamnan ko, hindi ko alam kung saan nanggaling ang kabang yun pero ang alam ko lang medyo natatakot ako.

"Hello Ma'am Kaigoy? nandito na po ako sa guidance office, pababa na po kayo? ok sige po, hintayin na lang po kita," patuloy pa rin ako sa pag himas ng braso ko para maibsan ang pag taas ng balahibo ko,,, ewan ko ba kung bakit bigla ko na lang naramdaman yun...

papasok na sana ulit ako sa kwarto ng biglang may kumurot sa tagiliran ko, si Ma'am Josefa,

"Cherry! kamusta? naku ha nakakatampo ka, simula ng grumaduate ka hindi mo na kami nabisita dito sa school"

"kaya nga po bumabawi eh, bawal po ang diet ngayon,"

nakita ko ang pag kagulat nya ng makita nya ang mga pagkain naka-hain ngayon sa hapag...biglang pumasok si Ma'am Kaigoy...habang winawagayway ang kanyang trade mark na abaniko,

"hala ka dyan Cherry, hindi ko naman sinabi sayo na mag pa free taste ka ha...aba ang dami nito...baka naman malugi ka nyan?"

"Ma'am pasalubong ko po yan,  tara na po kumain na tayo at baka magtampo ang mga pagkain.."

naging masaya ang naging kwentuhan namin, puro mga pagbabago ang binida ni ma'am Josefa...parang excited nga sya mag kwento...may mga inaayos daw may binago at may inalis...bigla na lang ako na patigil sa pag-inom ng maalala ko yung bench na pag mamay-ari ko...well hindi naman talaga saakin yun..ibig kong sabihin yung favorite bench namin ni kuya Jojo...uhmp..naalala ko na naman sya sa simpleng renovation na ginawa dito...

kahit kating-kati na ako na tignan yung lugar pinilit ko pa rin tapusin ang pinaka agenda namin dito ni dolly...ng matapos na kami sa pagkain niyaya na ako ni ma'am Kaigoy na pumunta sa faculty para mapag-usapan na ang mga dapat pag-usapan...habag naglalakad kami sa pasilyo niyaya ni ma'amyung ibang teacher na pumunta sa guidance office dahil may feeding program daw...tulad pa rin si ma'am ng dati mapag biro...

walang kamatayang kamustahan ang nangyayari saamin naglalakad kami ngayon habang si ma'am Josefa ay nakayapos sa braso ko.

halos matipalok ako ng biglang bumanat si ma'am Josefa ng tanong hindi alam kung matutuwa ba ako o kailangan ko nang matakot..

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon