CHAPTER 24

39 0 0
                                    

Naging magulo man ang paligid naging masaya naman ang lahat...pasado 4 na ng matumba ang lahat...lahat sila lango na sa alak...ako lang ang nanatili sa katinuan dahil ako lang ang hindi uminom saaming lahat dahil nga sa sama ng pakiramdam ko, at bukod don nakaidlip din ako ng bahagya...

pinatulog ko ang mga babae sa kwarto kasama si julius habang ang tatlong lalaki naman sa sala ko pinatulog...abala ako ngayon sa pag pulot ng mga kalat sa paligid...ng matapos ako dumiretso na ako sa kusina para mag hugas..balak ko na rin kasi umpisahan magluto ng umagahan.

habang abala ako sa pagkuwa ng mga ingredients sa ref..bigla na lang ako nagulat ng may makita akong imahe na nakaupo ngayon sa upuan malapit sa dinning table...

"oh shoot!!! ano ba yan teh lou...nakakagulat ka naman, bakit ang bilis mo naman magising!?" kabadong tanong ko...sobrang nagulat kasi ako sa ginawa nyang pag sulpot....

"ang ingay kasi ng hilik ni julius...kaya nawala antok ko...ano ginagawa mo?"

"ah magluluto ng almusal, pero dahil nandito ka na tutulungan mo na ako ..."

"why not! haahhaa gusto ko ng goto che! namiss ko kasi yun eh.."

"ok madam..magluluto din ako ng fried rice...may tira pa kasing ulam kagabi...sayang naman.. gusto mo pa ba ng salad? vegetables salad ha...!

"naku..alam mo naman ako ayoko ng gulay che...hahaha kahit wag na.."

"akala ko kasi nag bago n mga hilig mo eh..." inilagay ko na sa harap nya ang lahat ng hihiwain habang ako naman ay abala sa pag huhugas ng bigas na gagamitin namin sa goto...

"che, sa birth day pala kayo ni tito noli nagkita ni jojo?" bigla na lang ako napahinto ng bahagya..

"oo!" matipid ngunit mariin kong sagot.

"tapos anong nangyari?" patuloy pa rin sya sa pag hihiwa dahil rinig ko ang pag lapat ng kutsilyo sa chopping board...
ng ma-isalang ko na ang bigas kumuwa din ako ng chopping board and knife...umupo ako sa harap nya at tinulungan sya sa paghihiwa...naramdaman ko na nag hihintay sya sa mga maaari kong isagot sa kanya..

" nagusap lang naman kami..."

"tungkol saan naman? may sinabi ba sya sayo na hindi mo pa naikukwento saakin?"

"sabi nya...uhm..ano...ahm...sabi nya mahal nya daw ako..."

"Shit! talaga sinabi nya yon? oh ano sagot mo?  ha? ano?" ramdam ko ang saya ni ate lou ng sa wakas nagka aminan na kami ni kuya...

"malamang nagalit ako! nagalit ako sa kanya!...aba buong buhay ko akala ko ako lang ang nagmamahal sa kanya...alam mo diba na halos ibenta ko na ang lahat ng meron ako mapasakin lang sya...dumating pa sa point na pinamukha nya saakin na hindi ako karapat dapat sa kanya..." ramdam sa tono ko ang pagiging bitter...hindi kasi maiwaksi ang sakit na naramdaman ko noon.

nakita ko ng bitawan ni ate lou ang hawak nya at bahagyang tumingin saakin..

"ano ka ba! bakit pa, alam mo naisip ko lang mahal nyo naman pala ang isat isa pero ito..nagsasayang pa rin kayo ng oras at panahon...kung tutuusin nga sobrang dami  nyo nang sinayang! kung matututo ka lang  na kalimutan ang nakaraan magiging madali sayo ang pagpapatawad che..."

nanatili lang ako walang kibo..patuloy kong iniisip ang mga salitang binitawan ni ate lou..

oo tama nga sya..pero bakit nahihirapan ako magpatawad...kung tutuusin parehas lang naman kami nagdusa at nanghinayang...

"Che, sinasabi ko to kasi nararamdamn ko na mahal mo pa rin si jojo...bilang kaibigan mo ayoko na nakikita kang nasasaktan...sige ganito na lang pag isipan mo mabuti...kung magiging masaya ka ba kapag nawala na sya ulit? kung giginhawa ba ulit ang utak at puso mo oras na pakawalan mo sya ulit..babalik kaba sa dating ikaw kung mawawala na sya ng tuluyan..."

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon