nagulat ako ng makita ko ang barkada habang tumatakbo papalapit saakin, mababanaag sa kanila ang matinding pag-aalala. pinilit kong tumayo para ipakita sa kanila na ayos lang ako. niyakap nila akong lahat at damang dama ko ang pagmamahal nila saakin.
"Pasensya na talaga sa inyong lahat! hindi ko na kinaya kasi eh, alam nyo na medyo may hindi magandang nangyari eh! pero as you can see ayos na talaga ako.!" habang may kasama pang paghikbi.
" talaga bang ayos ka lang? kasi sa nakikita ko parang hindi eh, (sabay tumawa sya ng pang aasar) ibang klase ka din mag walked out eh no sobrang lapit lang kung tutuusin pwede mo na gapangin papunta dito nagdala ka pa ng sasakyan! " biglang bulalas ni dave
"hahaha pati mag-wa2lked out ka na lang nakasuot ka pa ng apron,!" biglang singit ni karen
napatingin ako sa suot ko, hindi ko na napigilan ang matawa dahil sa itsura ko muka lang ako gusgusin dahil sa itsura ng buhok ko .
"sige ganyanan tayo eh, lakas mang-asar akala ko pa naman friends tayo...(umaarte ako na galit pero natatawa talaga ako)
bigla na lang hinubad ni dave ang suot kong apron at tiniklop nya yun, naglakad na lang kami pabalik ng bahay habang si bryan na lang ang nagbalik ng sasakyan ko.
kahit hindi sila magsalita alam ko na marami silang gustong malaman, alam ko marami silang gustong itanong saakin. at dahil alam nila na nasasaktan ako ngayon kaya mas minabuti na lang nilang manahimik. naglalakad kami ngayon na parang papunta sa kawalan, nakahelera kami ngayon sa kalsada na parang may protestang nagaganap.
maswerte ako sa kanila dahil ramdam ko ang pagmamahal nila saakin, hindi man ako magsalita alam ko na naiintindihan nila ako. kaya naman sobrang nagpapasalamat ako sa kanila.
muling bumalik ang tindi ng kaba ko ng makarating kami sa tapat ng gate namin, patuloy pa rin ang tugtugan sa paligid, parang hindi natinag sa tindi ng kumosyon namin sa loob ni kuya.
nakita ko si ate zharina habang mababanaag ang pag aalala sa kanyang mukha sumensyas lang ako na ok lang ako kaya naman ngumiti lang sya saakin. nakita ko din si papa at si mama na tila wala pa ring alam sa tapatan namin kanina. buti na lang talaga dahil ayoko masira ang araw ni papa.
naramdaman ko na lang ng kumalas sila karen sa pagkakahawak saakin, mabilis silang naglaho sa tabi ko at ng i-angat ko ang ulo ko nakita ko si kuya na nakatayo ngayon sa harap ko. mabilis kong iniwas ang tingin ko humakbang ako paatras ngunit mabilis syang umabante at niyapos ako ng buong lakas ramdam ko ang lungkot na bumabalot sa kanya, rinig ko ang kabog ng kanyang dib-dib at dinig na dinig ko ang kanyang paghikbi kaya naman hindi ko na rin kinayang itago ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Che sorry na, tatanggapin ko kung ayaw mo na saakin pero hindi ko maipapangako na susuko na ako sayo. noon pa man ikaw na talaga ang babaeng gusto ko makasama hindi ako bumitaw sa paniniwalang isang araw malalaman mo ang totoong nararamdaman ko para sayo. kahit ipagtabuyan mo ako babalik at babalik pa rin ako sayo at muling aasa na bubuksan mo ulit ang puso mo para saakin. wala nang atrasan to."
nanatili lang akong nakahilig sa kanya habang pinapakinggan ang bawat salitang binibitawan nya. sa totoo lang naguguluhan ako sa kung ano ang magiging reaksyon ko. hindi ko naisip na darating sa buhay ko ang ganitong sitwasyon. tinapos ko na kung ano ang nararamdaman ko sa kanya noon kahit sobrang nasaktan ako. tpos ngayon malalaman ko na pwede naman palang maging kami pero hindi kami naging matapang para ipaglaban yon. kaya naman naguguluhan ako ngayon.
hinawakan ko sya sa braso nya at tinulak ng bahagya tumingin ako sa kanyang mga mata, pilit na pinunasan ang luha sa kanyang pisngi,
"Sorry! Sorry kuya! Sorry talaga!" hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang mga dahilan ko kung bakit humihinge ako ng tawad sa kanya.
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...