Pakiramdam ko, hindi sapat ang lamig na lumalabas ngayon sa aircon ng sasakyan ko...para kasing naging steamer ang buong katawan ko...simula ng makalayo ako kay kuya paranog bigla na lang uminit ang buong katawan ko...hindi ko alam kung bakit... pero ang alam ko kanina lang nakapag usap na kami ng maayos ni kuya...pero maayos nga ba!?
alam kong maayos yun...dahil sa totoo lang gumaan ang pakiramdam ko...dahil nasabi ko sa kanya yung mga bagay na gusto ko sabihin...pero hindi ako handa sa kung ano man ang magiging tugon nya sa mga sinabi ko...
mahal ko sya..pero bakit ganun? kinaya at tinanggap ko na hindi na pwede maging kami...tulad nga ng sinabi ko kanina sa kanya...ok lang saakin na may iba na sya..pero ok lang ba talaga? mas ok sana kung wala syang nahanap agad na bago...para may pag asa pa sana kaya lang meron na...
"Oh Gosh!" bigla na lang gumulo ang takbo ng isipan ko ngayon! pano ko babawiin sa kanya na hindi pala ok saakin na may iba na sya...ang hirap magkaroon ng utak na salawahan....
bigla ko na lang naitigil ang sasakyan ko...at pasubsob na yumuko sa manobela...
"Whoaaa! Come on! please! maging totoo ka naman Cherry!" halos parang baliw na akong kinakausap ang sarili ko
"Dapat sinabi mo na hindi mo kayang mawala sya! Dapat sinabi mo na gagawa ka ng paraan para mahalin ka lang nya ulit! Dapat sinabi mo na hindi mo kayang makita sya na may minamahal ng iba!"
pero sinabi ko kasi sa kanya na panahon na para sumaya naman sya...at alam ko na iba ang taong makakagawa noon para sa kanya...
"SANA AKO NA LANG YON!" hindi na kinaya ng mga mata ko ang bigat ng likidong namimintana saaking mga mata at tuluyang umagos iyon saaking pisngi...
malakas na pag hikbi ang bumalot sa buong sasakyan ko...
ilang minuto rin akong natulala...
sa kabila ng pagdadrama ko, bigla na lang pumasok sa isip ko yung Event...
halos makalimutan ka na yung Prom Night na pupuntahan ko..
kahit may luha pa saaking mga mata, mabilis kong hinagilap ang cellphone ko...
10 missed call ang rumihistro ngayon sa cellphone ko..puro kay ma'am Kaigoy galing ang tawag...huminga ako ng malalim at sapat na yon upang makahugot ako ng sapat na lakas upang bumalik ang utak ko sa katinuan...
muli kong pinaandar ang sasakyan ko at mabilis na binagtas ang kahabaan ng Shaw... halos 7:30 na ako nakarating sa parking lot ng paaralan...halos wala akong maparadahan ng sasakyan... mabilis kong kinuwa ang paper bag na nasa likod ng kotse ko...may dala kasi akong blouse...magpapalit na lang ako sa loob...kinuwa ko na rin ang bag ko at mabilis na, tinungo ang entrance ng paaralan. kailangan ko muna isang tabi ang mga problema ko. mabilis akong lumakad at....
sa entrance pa lang ng school halos mabusog na ang mata ko sa ganda ng mga decorations...lumalakad ako ngayon sa red carpet na sinabuyan ng iba't-ibang kulay ng rosas...masyado akong na amazed sa mga hanging roses na nakakalat ngayon sa paligid...
parang Valentine's Day lang ang peg, ang mga kabataan talaga ngayon hindi na naubusan ng gimik...nakakatuwa din ang usok-usok effect sa floor... may mga lalaki din nag aabot ng bulaklak pag dating sa end ng carpet...nagsimula na rin pala ang program...nakakasilaw na spot light ang malayang sumasayaw ngayon sa center stage habang sinasabayan ng nakakainlove na music...
maging ang decorations ng mga lamesa at chairs parang professional ang nag decorate...
"Wow!" tinalbugan nila ang decorations namin noon...
makikita naman sa mata ng mga estudyante ang abot-abot na kilig at kasiyahan...mabilis kong hinagilap ang mga staff ko...bigla na lang gumuhit at ngiti sa labi ko ng makita ko na naka costume sila...hindi ko na mapigilan ang matawa habang naglalakad ako papunta sa catering area...
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...