"Elem. pa lang ako sobrang mahal na mahal na kita, sa tuwing nakikita kita sobrang kaba at pagkataranta ang nararamdaman ko. hindi ko alam kung paano ko itatago ang kilig ko sa tuwing niyayakap mo ako oh kahit sa pag-pisil mo lang ng pisngi ko, hindi ko alam kung pano ko itatago ang ngiti ko para hindi mo lang mahalata ang totoo kong nararamdaman,.oo alam ko na bata pa ako pero bumuo na ako ng ilusyon na ikaw ang klase ng lalalking pakakasalan ko, ikaw ang prince charming ko, sobrang mahal na mahal kita!!! as in mahal na mahal kita kuya,,, kaya please tanggapin mo naman ang pag-ibig ko oh, tanggapin mo naman ang puso ko,....please humarap ka naman saakin.......
bigla ko syang niyakap mula sa kanyang likuran, tuluyan na akong umiyak ng malakas, nanatili lang syang walang kibo,
maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng matinding paninikip ng dib-dib, nahihirapan na akong huminga, matinding kirot ang patuloy na tumutusok sa puso ko,,,
nagulat na lang ako ng makita ko syang tumakbo papalayo saakin, wala man lang syang sinabi na kahit ano, basta na lang syang umalis, hinabol ko sya pero tuluyan na akong natumba dahil sa sobrang pamamanhid ng buong katawan ko,
habol hininga akong napabangon mula sa pagkakatulog ko, napakapit ako sa dib-dib ko dahil sa matinding pagtibok ng puso ko, mabilis kong kinapa ang lampshade sa side table para mabigyan ng liwanag ang madilim kong paligid, dali-dali ko ring kinuwa ang isang basong tubig at walang hinga-hingang tinungga ang tubig para maibsan ang matinding pag kauhaw.
"grabe!!! bangungot ba yon? kung nag kataon mamatay na lang ako na wala man lang nakakaalam.
naulit na naman, minumulto ako ng sarili kong katangahan noon, isang nakaraan kung bakit ganito ako ngayon,, isang babaeng nawalan na ng tiwala sa mga lalaki pagdating sa love, hindi na rin ako naniniwala na laging may happy ending at lalong lalo na hindi na ako naniniwala na mayroong taong magmamahal saakin, dah sino niloko nila,
well ang nakaraan ay nakaraan na, hindi mo na maaaring mabago, ang pagkakamali ay mananatili pa ring mali, ang katangahan ko noon ay mananatili pa ring katangahan, wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang iyon, nangyari na ang dapat mangyari,
nasipat ng mata ko ang relo sa taas ng salamin, 4:36 na ng umaga, masyado pang maaga para bumangon, kaya nman bumalik ako sa pag-kakahiga, kinuwa ko ang unan malpit sa tabi ko at niyapos iyon, nanatili lang akong tulala at naalala ang mga pangyayaring matagal nang lumipas, bigla na lang nag flash back saakin ang lahat-lahat,
parang kung titignan eh kahapon lang lahat nangyari,
kaya naman napaka sariwa pa rin sa puso't isip ko ang kirot at hapdi na naranasan ko noon...
_____________________*****************************________________________________
maraming salamat sa patuloy na nagbabasa nito,,... sana ipagpatuloy nyo po. kahit feeling nyo korny na.... :) salamat ulit
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...