CHAPTER 31

33 0 0
                                    

~~~JHOJHO'S POV~~~

"mahal ko po ang anak nyo...kaya po ako bumalik sa Pilipinas ay para po huminge ng tawad sa ginawa kong pag-iwan sa kanya...tinupad ko lang po ang pangako ko po sainyo tita cristy..."

"jho? ano ba yang sinasabi mo?" may pagtatakang tanong ni tita Cristy, alam ko naman na nabigla sila sa ginawa kong pagtatapat ngayon...gusto ko lang naman maging totoo sa kanila...naging seryoso na ang buong paligid...lalo na ng mabanaag ko ang pagkuno't ng noo ni tito noli, halos hindi na nagsasalita si tito Noli...nanatili lang syang tahimik habang nakatingin saakin...

"tita Cristy, naalala nyo po ba nung prom night namin noon...umuwi po si Che na umiiyak at basang-basa sa ulan?"

"Oo naalala ko yun...ni hindi nga namin yun nakausap noon...at sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin namin alam ang rason...bakit? wag mong sabihing alam mo ang rason?! tama ba?"

"ako po...ako po ang kasama nya nung gabing yun...kasalanan ko po...hindi ko pinakinggan yung mga bagay na gusto nya sabihin saakin...natako ako...nagdalawang isip...gusto ko lang tuparin ang mga pangakong binitiwan ko...marami na po akong nasayang at sinasayang na panahon...gusto ko po sanang ligawan si che...gusto ko po sanang gawin yung mga bagay na hindi ko po noon ginawa..."

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon