CHAPTER 33

32 0 0
                                    

~~~JHOJHO’S POV~~~

nanatili lang ako nakaupo, maingat na inaalala ang nakaraan, medyo natatawa na nga ako…ewan ko ba, nakaka-senti naman kasi yung kanta dito.

Totoo nga yung sabi nila,

“Sometimes it only takes one good song to bring back thousands of good, old memories.”

Hindi ko alam na yung mga panahon na nag-gagalit galitan sya saakin ay selos na ang nararamdaman nya. ewan ko ba napaka manhid ko rin naman kasi.

Hindi ko alam na yung mga ngiting yun, pagmamahal na pala ang ibig sabihin nun! Hindi ko alam na sa bawat pag-aayos nya ng sarili nya noon eh gusto nyang maging maganda sya sa paningin ko, na kahit naman hindi nya gawin eh nanatili pa rin syang maganda para saakin. Hindi ko alam na sa bawat luhang umaagos sa mga pisngi nya noon ay katumbas ng matinding kalungkutan dahil sa pag aakala nyang sya lang ang nag-mamahal saaming dalawa.

Hay! Yung batang babaeng yun! Sya! Sya yung babaeng gusto ko makasama ngayon.

Mabilis kong dinukot ang cellphone ko mula sa bulsa ko, wala ako sa sariling sinagot ang tawag, ni  hindi na nga ako nag-aksaya pa ng panahon ng pagkatitigan kung sino ang tumtawag ngayon.

"hello!!! ikaw ba ang manager? bakit ang damot ng mga tao nyo dito??? pati alak pinagdadamot...nagtayo pa kayo ng bar kung ayaw nyo naman mag painom...hello!!!”

Mabilis kong sinipat ang screen ng cellphone ko, shocks! Si Cherry to ha! anak ng tipaklong! Lasing ba sya!? Nalintikan na! MAG-ISA LANG ATA SYA! Magsasalita n asana ako hanggang sa bigla na lang may umagaw ng cellphone nya.

"oi..ibalik mo yan saakin!!! pinagagalitan ko pa yan!!!" nagsisilbing background music ang salita nya, naririnig ko kasi ang boses nya kahit may nagsasalita ng ibang tao.

"hello po, magandang gabi...marahil po kilala nyo po ang may ari ng cellphone no. na ito..lasing na po kasi si ma'am, hindi nya na po kaya dalhin ang sarili nya...kanina pa po sya nandito..baka naman po pwede nyo po daanan dito...sa Jurrasic bar po ito...sa pasay..salamat po..."

Mabilis kong binagtas ang daan papunta sa bar nay un! Buti na lang talaga hindi pa ako nakaka-uwe sa hotel!

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko para lang mapabilis ang pagpunta ko doon, medyo traffic pero hindi naman ganun kabigat.

Pagdating na agdating ko eh, mabilis ko nang sinipat ang paligid! Medyo magulo na ang paligid, sinusubukan kong sumigaw para mahanap sya, pero nangingibabaw pa rin tugtugan sa paligid.

Nanatili akong nakikipag-siksikan sa mga taong nagkakasiyahan ngayon sa pligid ko, kahit punong-puno na ako ng pag-aalala. Ano ba kasi ang naisipan nya at bakit sya ngayon nag paka lango sa alak.

May nakita akong babae sa counter, bahagya syang natapatan ng spot light kaya naman nagmadali akong lumapit sa pwesto nya, pero bigla na lang umakyat ang galit sa utak ko ng makita kong may humahatak sa kanyang lalaki. Nalintikan na!

Mabilis ko syang hinatak sa braso, nung una ako pa ang inaaway nya, mas gusto nya pang sumama sa kumag na yun!

"pare bitawan mo sya! kasama ko yan..."sabi ng lalaking nakahawak sa baywang nya

Nanatili lang syang sa pag-poprotesta nya.

" Che ano ka ba...si jojo nga to!!! halika nga!

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon