CHAPTER 12

61 0 0
                                    

THIS TIME, ALAMIN NAMAN NATIN ANG NARARAMDAMAN NG ISA PA NATING LEADING CHARACTER...REVELATION TIME NA!!!...

THANK YOU SA PATULOY NA NAKAKATAGPO NG AKING LIKHA...MEDYO MATAGAL NA HINDI NAKAPAG UPDATE...PERO ITO....ITO NA NAMAN NA... HEHEHE SALAMAT ULIT.

______________************************************************************____________________

Heto na naman sya pinapakita na  naman nya ang matamis nyang ngiti, kahit ang pagsayaw ng kanyang buhok sa hangin ay talagang nakakabighani, kaya naman tulad ng dati sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sabihin na natin na sya ang “FIRST LOVE KO” at sya ang hinihiling kong maging “LAST KO”. Hindi talaga maipagkakaila na dalaga na sya ngayon,

Naalala ko tuloy nung una kaming nagkita, Christmas party sa trabaho ng mga magulang namin,

Nakita ko sya sa stage, pilit na nakikigulo sa mga bata  para lang mahawakan ang kamay ni santa Claus, nakakatuwa kasi kiktang-kita sa mga mata nya na bibigyan sya ng regalo nito,

Pinilit nyang makalapit, siniksik nya ng siniksik ang sarili nya para makapunta lang sa harapan mismo ni santa. Ero may nangyari, nawalan sya ng balanse at muntikan ng malaglag.

Kahit papaano mataas pa rin ang stage, mabilis ko syang nahawakan sa kamay, at pinilit hinila para mailigtas sa kapahamakan.

Nakita ko ang kaba at takot sa kanyang mukha, narinig ko pa nga ng maghiyawan ang mga tao sa paligid namin.

Mabilis ko syang niyapos sa kanyang baywang, akala ko sapat na ang ginawa ko ngunit sa di inaasahang pagkakataon dahil sa bugso ng mga bata sa stage ay parehas kaming nawalan ng balanse, at parehas kaming nalaglag sa stage.

Buti na lang nasalo kami ng mga tatay namin, nakita ko syang umiyak at takot na takot na yumakap sa leeg ng kanyang ama.

Meron parte sa puso ko na sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko sya nailigtas.

Buong gabing yon hindi ko na sya pinakawalan sa tingin,

Panay ang sulyap ko sa pwesto nila, nakita ko na lumuluha pa rin ang kanyang mga mata, habang abala ang ate nya sa pagpaypay sa kanya.

Natapos ang gabing iyon na hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya.

Lumipas ang tatlong taon ng mag pasyang lumipat ang pamilya namin dito sa Pasig, abalang-abala kami sa paglilinis sa bagong bahay, pinapamadali pa nga ako ni mama dahil pupuntahan daw namin ang kaibigan nya na nakatira sa kabilang kanto.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila, may pinakilala pa nga saakin si mama. Si tito noli at si tita Cristy at ang dalawa nya pang cute na mga anak si Cathy at si Jay-R.

Kasalukuyang kumakain ako ng cookies habang nagmamamsid sa paligid, maya-mya pa ay may pumasok na dalawang batang babae.

Medyo pamilyar saakin yung batang mas malaki, pero hindi ko maalala kung saan ko ba sya nakita.

Bigla na lang nag salita si tita cristy,

“ate anabelle, si Zharina pati si Cheryy”

“sila na bayan? Ilang taon na si Zharina? Biglang tanong ni mama

“8 years old na si Zharina, si Cherry naman 7”

“aba malalaki na no”

nakita ko lang silang nag-mano kay mama

“mga iha ito si kuya jojo nyo, magiging kalaro nyo na rin sya, dyaan kami sa kabilang kalye nakatira.  

Ngumiti naman silang dalawa saakin na tila nagpapakilala, kaya naman ngumiti din ako sa kanilang dalawa.

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon