CHAPTER 32

38 0 0
                                    

~~~JHOJHO’S POV~~~

Lumipas ang maraming araw at linggo, mas lalo akong naging abala sa mga detalye at sa mga bagay na kailangan ng masimulan. Marami akong pinag daanan para lang makarating sa ganitong plano.

Nung una talagang Malabo pa saakin ang lahat, hindi ko alam kung paano ako matatapos sa proposal na gagawin ko.

Buti na lang tinulungan ako ng mga kaibigan ko, mga kaibigan ni Che at ang mga kapatid nya. napag-desisyonan ko na mag propose sa dating school namin! Yup! Sa Sagad High School, masinsinan kong kinausap ang dati kong mga teacher para matulungan ako sa pag-hahanda. Nung una medyo alanganin dahil ayaw pumayag ng bagong Principal ng school, pero dahil pinaliwanag ko na bukod sa dadamitin ng mga estudyante wala na silang dapat ipag-alala ay pumayag na rin sila, sobrang saya nga ng mga estudyante eh, ako na ang bahala sa lahat.

At sa wakas sa tagal ng negosyasyon ay natapos na din ang location.

Oo tama! Naisip ko na mag propose sa kanya sa araw ng Prom Night ng mga estudyante. Bakit?! Kasi nalaman ko sa mga teacher ko na ang batch namin ang huling beses na nakaranas ng Prom Night, ibig sabihin yung araw na yon ang tumatak sa isip ni Che! Yung araw na iniwan ko sya ng basta-basta! Alam kong nasaktan sya! At nararamdaman ko na patuloy pa rin syang bumabalik sa araw nay un.

Gusto ko lang mawala o mabura sa isip nya ang heartbroken moment na yun! At gusto ko na mapalitan ng masayang alaala ang mga naiwan ko noon sa isip nya.

Mabilis kong iniaabot sa receptionist ang susi ng kwarto ko sa hotel na tinutuluyan ko dito sa Makati, lumipat na ako ang hotel sa mandaluyong, gusto ko lang sana mas malapit sa Venue dahil naka-focus na rin ang coordinator ko sa mga small details.

'hello pare! Lumipat na ako ha! Baka bulabugin mo pa ako sa kwarto ko! Oo nga! Ngayon lang! bakit? ha! Hininge nya no. ko! Binigay mo naman ba? Ha? bakit pati addrees ko binigay mo? Kumag ka talaga pare! Pupuntahan ba daw nya?‘ mabilis kong inihinto ang pag-uusap namin ni Andrew! Bahagya kong tinitigan ang screen ng cellphone ko, matagal nang naka-save ang no. ni Cherry saakin pero hindi ko man lang nagawang tawagan sya kahit ni-isang beses.

Ilang minuto lang ang lumipas at biglang rumihistro sa cellphone ko ang pangalan nya, 'shoot! Tinatawagan nya ako! Sabi kasi ng mga kaibigan nya maging si Andrew dedmahin ko daw muna Che para hindi daw ito makahalata, mababalewala lang daw ang preparations kung wala pang date nay un eh nabuko na kami.

Halos pinilit kong tiisin na hindi sagutin ang tawag nya, kahit kating-kati na akong sagutin iyon at mag-propose kahit through phone!

1 missed call…

Muling rumihistro sa cellphone ko ang pangalan ni Cherry, tumatawag sya ulit, pero tulad ng na-unang plano pikit mata kong dinedma ang tawag nya.

Palabas na sana ako ng kwarto ko ng makatanggap naman ako ng text message galing kay Andrew at kay tita Cristy.

Mas una kong binasa ang text saakin ni tita Cristy,

"Jhojho? Anak! Sa kagustuhan kong malaman kung ano ba talaga ang status mo sa buhay ng anak ko, tinawagan ko sya, sinabi ko sa kanya na babalik ka ng L.A! at base sa naging reaksyon nya, nararamdaman ko na nagpapanggap lang sya na ayaw na nya sayo. Alam ko na umiiyak sya habang kausap ko sya, sabi na nga ba tama ang pakiramdam ko kahit nung birthday pa lang ni Papa nya. kaya ganun na lang ang pagmukmok ng anak ko.”

Halos lumuwa na ang mata ko habang patuloy na binabasa ang message ni tita Cristy. May kung anong bagay akong naramdaman. Pag-asa! Oo tama, yun nga! Pag-asa nab aka talagang mahal nya pa rin ako kahit kaunti na lamang.

Bitbit ko pa rin ang ngiti sa aking mga labi habang nagmamaneho ako. Sa totoo lang halos lagi kong kasama ang barkada ni Cherry, minsan nga hindi na nila alam kung paano iiwas kay Cherry para lang hindi kami mahalata sa mga ginagawa namin.

Tulad ngayon magkikita kami ni Mr. Dumapias, maging ang buong barkada nya, para ayusin ang damit na susuotin ni Cherry, kay Mr. Dumapias kasi ako nagpagawa. Ang plano kasi si Cherry ang kukuning caterer ng prom, at si maàm kaigoy na ang bahala sa pag-convince sa kanya. Alam ko naman hindi nya matatanggihan ang request ng favorite teacher nya.

Si Ma'am Kaigoy at si Ma'am Josefa din ang pipilit kay Cherry para magpalit ng gown. Medyo maraming pag-ganap ang mangyayari sa araw na yun at sana maging matagumpay.

Nanatili akong nakaupo sa isang mahabang upuan habang hinhintay ang barkada nya.

Bungad pa lang halata ng may kausap si Mr. Dumapias.

“grabe Jhojho, hindi ko na alam kung paano iiwasan si Cherry! Tulad ngayon nagyaya sya, shocks! Kung alam nya lang ang mga dramang pinag-gagawa natin ngayon.”

“pasensya na Mr. Dumapias, konti na lang matatapos na tayo. Kunting tyaga na lang! at nag papasalamat ako for doing this favor.”

“hahaha! Of course! For her naman eh! Well anyway, ok na ang lahat, no need na for fitting, hahaha as if naman magagawa talaga natin yun.”

“maraming salamat!”

“too early for saying thank you! Wala pa tayong hint kung magiging ok ba ang lahat sa kanya, oh wait! (mabilis nyang dinukot ang cellphone na nasa loob ng bag nya) malapit na daw sila karen”

“ok! Hintayin na lang natin, meron ka bang gustong i-order, sige lang tatawag ako ng waiter!”

“naku ok na saakin to. Oh! Ayan na pala sila eh!”

Mabilis na lumapit sa pwesto namin sila Ms. Albarracin ang Ms. Chavez kasama pa ang ilang kabarkada nila.

“gosh! Kinukulit ako ni Che, gusto nya daw gumala! For heaven sake! Palibhasa hindi nya alam na nag papaka-stress tayo para sa kanyang most romantic marriage proposal!” paghihimutok ni Karen

“tapos ka na sa drama mo? Hayaan mo, hahanapan ka na rin namin ng aasawahin para naman ma-kaganti ka kay Che!” natatawang sagot ni Julius. Nakaktuwa talaga ang barkada ni Che! At masaya ako na nakilala nya ang mga taong katulad nila.

Ilang minuto lang din kaming nag-usap at mas matimbang ang tawanan at lokohan. Nag-paalamanan na ang lahat, at nanatili lang akong nakaupo dito sa sofa.

Kaunting panahon na lang, magkakaroon na ng linaw at kasagutan. Kaba, takot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil papalapit na ng papalapit ang araw! Takot dahil baka hindi nya ako sagutin! At saya dahil maipapakita at mailalahad ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

~~~~~~~~~~~~~~~*****************~~~~~~~~~~~~~~~~

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon