mabilis ngunit naging mabusisi ang paghahanda sa bawat dish na iseserve namin mamaya sa Prom Night. gusto ko na maging maayos ang kalalabasan ng lahat para naman kung hindi kagandahan ang magiging resulta sa mga date ng mga bata, pag nag reminisce sila kahit papaano maalala man lang nila ang mga pagkain na naka-hain sa kanila...ako kasi, hindi ko talaga naranasan ang Prom Night na kasali talaga ako...well ang una at huling Prom na napuntahan ko eh, yung Prom Night pa nila kuya...
tapos kung maalala nyo, naging tragic pa ang experienced na yun...ayun na nga halos ang klase ng prom night na tumatak sa isip ko, after kasi ng Prom na yun , hindi na nasundan dahil nagkaisa ang mga magulang na wag na magkaroon ng ganung event, syempre kaming mga anak sunod na lang sa gusto nila dahil hindi nga namn kami ang magbabayad kundi ang mga magulang namin.
bigla na lang akong bumalik sa ulirat ng mapagtanto ko na kaunting indayog na lang matatapos na kami sa ginagawa namin, kaya naman tumungo na ako sa office para magtext kay ma'am Kaigoy, hindi ko kasi dinadala ang cellphone ko sa loob ng kitchen.hindi pa man ako tuluyang nagsisimula sa pagtetext bigla na lang nag ring ang cellphone ko, si kuya Andrew...walang alinlangan ko naman itong sinagot...
"Hello? uhm kuya! bkit ka napatawag ha?" malumanay ngunit may pagtataka kong tanong sa kanya...narinig ko pa kung gaano kalakas ang hangin na pinakawalan nya mula sa kanyang bibig...
"ui Kuya Andrew? ano? ano nangyari sayo? halos nagsisimula na akong kabahan ng bahagya dahil hindi sya agad nagsalita...saglit na katahimikan ang bumalot sa kabilang linya...maya-maya pa sa wakas nag salita na rin sya...kahit halos pabulong na....
"Che! dapat ko pa bang sabihin sayo?" may pag aalinlangan nyang tanong saakin
"ha? ano ba yon? ang alin? sasabihin? sabihin muna tutal inumpisahan mo na nman na eh..hahaha.." pinilit kong tumawa para lang maibsan ang ano mang negative energy na bumabalot ngayon sa linya ng bawat isa...
"ahm! alam mo naman diba na aalis na si jojo?"
"oo?...sinabi saakin ni mama, akala ko nga umalis na sya pero diba hanggang ngayon nadito pa rin sya?...nakita ko pa sya, nakau...." bigla na lang ako napatigil ng biglang magsalita ang kausap ko sa kabilang linya....
"che! bukas na...bukas na ang alis nya!"
"Agad?! totoo ba yan? asan sya ngayon? alam mo ba?..."
"magkasama kami ngayon, actually ngayon nya lang sinabi kya naman hindi na ako nag dalawang isip na sabihin sayo.."
"ok sige, pupunta ako dyaan,! saan kayo?" natataranta pa ako habang isa-isang inaalis ang nakasuot saaking toque at apron,
"sige...itetext ko na lang sayo...pero teka! bakit ka pa makikipagkita?"
"diba yun naman din ang gusto mo mangyari,? malamang yun din ang rason mo kung bakit mo saakin sinasabi ngayon to...gusto mo makipagkita ako sa kanya....may sasabihin lang din ako...wag ka mag aalala hindi ko sya pipigilan..."
"ah...ang galing mo talaga..sige..."
hindi pa man pormal na natapos ang usapan namin, mabilis ko nang pinatay ang phone...nagpalit din agad ako ng damit...at kaagad akong pumunta sa kitchen...
"Dolly! may pupuntahan ako...alam mo naman diba kung saan gaganapin yung event ikaw na ang bahala mag manage ng mga gagawin...dalhin nyo na lang yung gray na van...ahm...susunod na lang ako...mga 6 or 7 pwede na kayong pumunta...kung gusto mo nman pwedeng magpadala ka muna ng tao don para macheck yung catering area...hindi nman kasi tayo ang nagdesigned diba..basta tawagan nyo lang ako sa kahit anong concern nyo..importante lang talga to...."
naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko, kaya nman mabilis kong binasa ang message na natanggap ko...ilang segundo ko lang yon binasa at lakad takbo kong tinungo ang sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
UNDYING LOVE (My one and only Love)
Romancepaano kung dumating ang point na yung taong pinaka-mamahal mo ang nag pamukha sayo na wala kang karapatang mahalin sya dahil sya mismo ay may mahal ng iba... magagawa mo pa ba ang salitang "MOVE ON" kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman naging k...