CHAPTER 14

54 2 0
                                    

Kinuwa ko kaagad sa paper bag ang damit at sapatos na binigay saakin ni Julius. Isang light brown na above knee na dress yun, parang nude color nga ang dating.

Parang may mga nakasaboy na fairy dust, sa bandang middle part may maliliit na silver glitters na nag sisilbing belt ng dress.

Super nipis lang ng telang gamit, hindi kasi ako familiar sa mga ganitong bagay, about dresses kaya hindi ko alam kung anong terms ang gagamitin ko para lang ma-describe, basta super cute non.

Iterno mo pa ang 5 inches na sapatos, light brown din ang kulay non kaya bagay na bagay sa damit, parang pa-doll shoes nga ang design non kaya naman super havey saakin.

Sa wakas natapos na din ako sa pag-aayos, hindi ko akalain na hahantong ako sa ganitong desisyon. Sobrang tagal ko na kasing hindi napapasuot ng ganito, pero para kala papa sige gagawin ko to,.

Huminga ako ng malalaim habang pababa ng hagdan, ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa paligid, pakiramdam ko tuloy debut ko, na kung tutuusin hindi ko naman talaga yun na experienced kaya ayos lang mag pantasya ng kahit saglit.

Dali-dali kong tinungo ang garden, halos matumba-tumba pa nga ako sa pagmamadali, dahil narinig ko na tinatawag ako ni cathy sa stage para magbigay ng message kay papa.

Nakita ko si mama at si papa na pumapalakpak habang nakatingin saakin, parang tatanggap lang ng award ang peg ko.

“Pa thank you sa walang sawang pagmamahal, sa walang sawang pagpapaalala saamin na kahit iwan na kami ng lahat mananatili kayong dalawa ni mama sa tabi namin. Mahal na mahal ko po kayo ni mama, Pa happy birthday po” halos maluha-luha na ako sa speech ko

“ok pagkatapos ng speech kakantahan mo naman ang lahat” biglang bulalas ni Cathy

“oo nga isang malupit na kanta ang ibabahagi saatin ni ate Che, palakpakan naman dyan” pag-sang ayon naman ni  Jay-R

“akala nyo aatrasan ko kayo, sige mag salang ka ng kanta yung “IKAW ANG AKING MAHAL” sabay tawa ng malakas

“Para sa inyong lahat ito. Magpakasaya tayo…”

Itanong mo sa akin

Kung sino’ng aking mahal

Itanong mo saakin

Sagot ko’y di magtatagal

Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo’y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay

Na nararamdaman

Isa lang ang damdamin

Ikaw ang aking mahal

Maniwala ka sana

Sa akin ay walang iba

Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo’y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman

Ang nais ko sana’y

Inyong malaman

Sa hilaga o sa timog o kanluran

UNDYING LOVE (My one and only Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon