PROLOGUE

1.2K 27 2
                                    

"Andy! Nandyan na sya bilisan mo!" Halos mataranta ako noong sabihin saakin ni Russel. Dali dali kong kinuha ang mantika na binili ko kanina bago kami pumunta dito.

'Patay ka saking balbon ka!'

Halos lahat ng kademonyohan na kaya kong tawagin ay tinawag ko na upang makaganti lang sa lalakeng ito. Sinimulan ko ng ibuhos ang mantika sa sahig ng kwarto nya. Pinigilan ko ang pagtawa dahil alam kong pag tumawa ako ay mabubuking kami.

"Asan na ba sya?" Pabulong kong tanong.

"Nasa kusina pa ata." Sabi naman ni Ivan.

"Nako, Andy pano pag napilayan si Charlie?" Tanong naman ni Aubrey na kanina pa kaming pinipigilan sa balak naming gawin. Tinignan ko lamang sya at umiling.

"Tumahimik ka na lang dyan, kaingay ingay mo!" Saway ni Russel kay Aubrey.

Kahit kelan talaga tong dalawa na ito lagi na lang nag aaway. Pinagpatuloy ko ang pag bubuhos ng mantika. Napapangiti na lang ako sa posibilidad na mangyari sa mokong na iyon.

Sinong hindi maghihiganti kung ikaw ba naman ay sinabuyan ng harina sa muka noong natutulog ka? Sinong hindi maghihiganti kung ikaw ba naman ay lagyan ng bato sa bag kaya halos mabali ang balikat ko noong buhatin ko iyon? Wala ng makakapigil saakin na gumanti sa mokong na yon.

Lintik lang ang—natigil na lamang ang pagiisip ko noong gumalaw na ang door knob. Mabilis akong nagtago sa likod ng pintuan at nagkanya kanya naman na ng tago sila Russel.

Tinakpan ko ang bibig ko.

5..4..3..2..1

At narinig ko na nga ang isang malakas na pagbagsak ng isang tao. Hindi ko na rin napigilan pang hindi tumawa.

"Hanep! Ano to?" Tawa ako ng tawa noong makita ko syang nakaupo at hinihimas ang pangupo nya.

"It's your karma," Halos mamatay na ako kakatawa dahil sa nangyari.

"Andy!" Sigaw nito. Sa sobrang pagtawa ay hindi ko namalayan na nakatayo na pala sya at naramdaman ko na umangat ako sa ere.

'Holy crap! I'm dead!'

"Damn it Charlie! Put me down!" Hiyaw ko.

"Anong akala mo sakin ganon-ganon na lang?" May pag-ngisi sa tono ng boses nya. Akala mo akong isang sakong bigas na handa na nyang ihagis na lang bigla. Mas dumoble pa ang kaba ko noong pumasok sya sa banyo.

"Don't tell me..."

"Yes baby, yes." Mas sumigaw pa ako dahil alam kong paliliguan nya ako ng wala sa oras!

"Waah! Russel! Ivan! Aubrey! Help me!" Sigaw ko. Pero kahit isa sa kanila ay walang bumalak na tumulong saakin. Sapilitan akong inilagay ni Charlie sa bathtub nya. Tatayo pa sana ako kaso bigla na lang nya akong binuhusan ng tubig.

"This is what you get. Pamantika-mantika ka pa ah," Humalakhak ito na akala mong nanalo sa isang palaro.

"Ang sama sama mo! I hate you so much!" Tili ko pa. Tumawa ito lalo.

"I know you love me, Andy." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Alam mo bang wala akong pangpalit ha?" Hinayaan ko na mabasa ako dahil kahit anong laban ko ay hindi naman ako mananalo sa mokong na ito.

Binuksan nya ang gripo upang mapuno ang bathtub.

"Hiramin mo na lang damit ko. Lalabas na ako, lilinisin ko pa yung kinalat nyo." Napapailing pa sya noong tumalikod saakin.

"Pakihanda na lang yung damit ko, salamat." Sinimulan ko ng hubadin ang damit ko. Lilingon pa sana sya pero mukang nakita nyang naghuhubad na ako kaya naman napatingin na sya agad sa ibang direksyon.

Napairap ako, "Akala mong mabait." Sabi ko sa kawalan at hinayaan ang sariling maligo.

Noong matapos ako ay kinuha ko agad ang towel na nakita ko at sumigaw ng napaka lakas.

"Charlie! Yung damit ko asan na!" Sigaw ko. Wala pang isang minuto ay may kumatok na sa pituan at bumukas iyon ng bahagya at lumabas doon ang isang pares ng pangtulog.

"Eto na po madame. Tss, bilisan mo dyan kakain na tayo sa baba. Gutom na yung mga kasabwat mo." May hinanakit ito sa tono ng boses nya.

"Sige mauna kana, susunod na lang ako."

Hindi na ito nagsalita pa at sinarado na lang ang pinto. Mabilis naman akong nagbihis. Halos lamunin ako ng pangtulog na ito. Noong lumabas ako ay nagulat ako noong makita ko si Charlie na nakasimangot habang nakatingin sa salamin.

'Nagpapacute ba sya?'

Tanong ko sa isip ko. Mukang hindi nya napansin na lumabas na ako kaya naman hindi pa sya tumitigil sa pagpapacute sa salamin Tinitigan ko sya.

He have this freakin looks. Hindi na ako magtataka kung maraming nag kakagusto sa kanya. Charlie is part of my life.

Noong una ay wala lang, kaya ko pa syang titigan sa mata. Pero habang tumatagal ay hindi ko na namalayan sa sarili ko na I'm falling, I tried not to fall pero mahirap nang bumalik. Ilang taon ko na rin itong kinikimkim. I don't wanna ruin our friendship because I know if I'm gonna tell him that I'm inlove with him, masisira iyon.

I know my limitation. But the question is,

Kaibigan lang ba talaga?

************

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places,events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events in purely coincidental.

Plagiarism is a crime punishable by Law.



Kaibigan lang ba talaga?

By: VivianAvendano

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon