Chapter 59

147 2 0
                                    

Chapter 59

-Charlie's Point of view-

Parang may kakaiba kay andy, malungkot sya tapos iyak ng iyak? Alam kong umiiyak sya kanina nung tawagan ko sya. Napapakunot na lamang ako ng noo sa tuwing iniisip ko iyon.

Kakatapos ko lang maligo nung biglang pumasok sa loob ng kwarto ko si Russel na walang pasabing humiga sa kama ko. Kasama si Ivan na naka cross arm pa.

"Sino nag sabi sayong humiga ka dyan sa kama ko?" Tanong ko.

"Yung mommy mo?" Iling iling nya. Isinarado ni Ivan ang pintuan at umupo na lang kung saan may bangkuan.

"Feeling home ang putsa! Hindi kita kapatid hano!"Sigaw ko sa kanya.

Binuksan ko ang aparador ko at nag hanap ng matinong damit, at ang napili ko ay isang kulay white na tshirt. Kinuha ko iyon at tsaka isinuot.

"Kamusta yung kagabi? Pinaiyak mo si andy. Lagot ka" tinakot pa talaga ako. E kung ihulog ko kaya sya ngayon?

Kinuha ko ang sapatos ko at umupo sa kama para mag sapatos. "Oo nga e, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pare Inatake lang talaga ako ng selos! Nakakainis naman kasi dapat hindi ko pinapaiyak si andy e." Reklamo ko. Umayos sya ng upo nya

"Nag selos? Kanino?" Buti na lang at nag salita na si Ivan.

"Kay nathan? Inaya nya kasing mag sayaw ang girlfriend ko." Sabi ko.

"Hanep Dre, so pinayagan mo? Bat mo pinayagan! E ikaw naman pala may kasalanan kung ano ang kinaseselos mo." Tapik sakin ni Russel.

"Yoon na nga e, doon ako namali, naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko sobra ko syang nasaktan."

"E ano gagawin mo?" Tanong ni Ivan.

"Babawi ako." Simpleng sago ko. "Hindi ako makakatulog Mamayang gabi kung hindi ako makakabawi, ayoko ng ganoon." Humarap ako sa salamin at I ayos naman ang buhok ko.

"O sya, tara na. Pupunta ka kila andy diba?" Tanong ni Russel.

"At bakit? Sasama ka? Anong gagawin mo roon?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Malamang, andoon si aubrey. Doon sya natulog kagabi kasi tumawag sya saakin kagabi dahil si andy a---" hindi Natapos ang sasabihin ni Russel nung biglang mag salita si Ivan.

"Kasi si andy kailangan ng makakakwentuhan kaya tumawag si aubrey kay Russel at nag paalam na doon matutulog at doon na lang sya puntahan." Napalunok si Russel at tsaka tumango na lang.

"Ah," Napatango ako at tsaka nangunang lumabas.

"Muntik kana." Rinig kong saad ni Ivan.

"Sorry naman" Tugon ni Russel.

"Muntik sa?" Tanong ko.

"Muntik na kasi syang madapa. Natalisod sya sa paa ko e." Sabi ni Ivan at tsaka bumaba.

"Sakit nga e." Sabi saakin ni Russel at sumunod kay Ivan.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon