Chapter 77

151 4 1
                                    

Chapter 77

-Charlie's Point of view-

Ang sarap sa feeling. Sobrang nakakatuwa na naka balik na kami sa dating kami. Kakapatay ko lang ng tawagan namin dahil sa alam kong nakatulog na sya.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko nung biglang lumabas sa screen na tumatawag si heana saakin. Hindi ako nag dalawang isip na sagutin iyon dahil baka may kailangan sya.

"Gabi na ah?" Bungad ko sa kanya.

"Wow ha! Ganda ng bungad mo! Bwiset." Natawa ako ng konti dahil alam kong napikon sya ng konti.

"Sorry, ano ba ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit Mr. Diamse? Tuwing may kailangan lang ba ako tumatawag sayo?" Sabi nya sa kabilang linya. Hinayupak na babae na ito.

"My ghad heana!" Narinig ko agad ang bungisngis nya.

"Sorry na, gusto ko lang sabihin na nandito rin kami sa Palawan." Sabi nya saakin.

"Boyfriend mo ko? Boyfriend mo ako?"

"Kung nasaharapan lang kita baka nabatukan na kita kanina pa! Bwiset ka talaga." Pinatay nya yung tawag.

Ganoon naman kaming dalawa e, tatawag sya para sabihin kung nasaan sya. Samantalang ako, walang pakialam. Matagal na kaming ganoon, wala namang malisya.

Pinatay ko ang cellphone ko at nahiga na. Nag pahatak ako sa antok dahil sa pagod na rin ang katawan ko sa byahe. Hanggang sa panaginip ay napa paganipan ko si andy, shet sobrang saya ko ngayon araw na ito. Wala na atang oras na hindi ako magiging masaya ngayon!

Nagising ako kinabukasan, maaga akong naligo dahil ayokong makita ako ni andy o maamoy na ang baho ko. Nag suot lang ako ng isang polo shirt at pinaresan ko ng khaki short.

"Mukang tao ah?" Biglang sumingit sa kanang taligiran ko si kuya Maynard hawak ang isang tasa ng kape na syang iniinom nya.

"Gising kana pala kuya!" Masigla kong sabi sa kanya. Inirapan nya ako at umupo sa upuan sa harapan ko.

"Sigla mo? Bakit? Dahil sa kapatid ko!? Sorry ka andito na ako para hindi kayo mag katuluyan." Seryosong sabi ni kuya Maynard.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nawalan ng gana. Paano ako mangliligaw kay andy kung ayaw naman ng kuya nya? Pero hindi ito ang dahilan para hindi ko ligawan si andy.

"Just kidding bro." Napatingin ulit ako kay kuya Maynard at natawa pa sya sa sinabi nya. Hindi ko inaasahan na nag bibiro lamang pala siya.

"Akala ko ay seryoso ka kuya!" Sabi ko sa kanya.

"Medyo, pero nung makita ko yung namumutla mong muka. Natawa ako," sabi niya saakin.

Napailing na lang ako nung sabihin nya iyon saakin. Pag katapos ay agad akong umalis at nag paalam kay kuya Maynard dahil sa gusto ko ng makita si andy! Sa kabilang kwarto lang naman sila kaya madali lang naman akong makakapunta.

Kumatok ako sa pinto at si aubrey agad ang bumungad saakin. Inirapan nya ako tsaka tinuro ang daan kung asan si andy.

"Tulog pa, kinilig ata ng masyado kahapon. Gisingin mo na lang," sabi nya saakin.

"Thank you."

Pumasok ako sa kwarto nila at nakita kong balot na balot ng kumot si andy at tulog pa. Umupo ako sa harapan nya at pinag masdan ang maganda nyang muka. Pakakasalan ko to, yoon agad ang pumasok sa isip ko dahil sa sobrang pag mamahal ko sa kanya.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon