Chapter 6

455 8 2
                                    

Chapter 6


-Andy's Point of view-


"For this upcoming event which is the Acquaintance party. Napagdesisyunan naming dalawa ni miss Delos-Reyes na mahahati sa dalawa ang magiging performance natin." Ms. Contez said. Sya ang isa sa pinaka-humahawak sa dance group ng school. Katulong lamang nya ako sa mga pwedeng maging steps ng sayaw.


Nasa gymnasium kaming mga kasapi ng dance group. Excuse ang lahat ng may mga gagawin sa paparating na event. Bilang kasapi ng dance group ay responsibilidad ko na umattend sa mga meeting na katulad na ganito.


"Ms. Sasayaw po ba si Andy? We are craving for her special dance number po kasi." Naghiyawan ang lahat dahil sa sinabi ng isa sa mga kasama ko sa grupo. Napailing ako ng mabilis noong tumingin saakin si Ms. Contez.


"Gusto ko man guys, but sad to say kasali po si miss Delos-Reyes sa candidate ng ating Mr. and Ms. Acquaintance. Kaya naman hindi siya makakasama sa performance this year." Narinig ko ang pag-angal ng iba sa naging announcement ni Ms. Contez.


"Enough enough. Bukas na ang practice don't forget na magdala ng pamalit." Nagtayuan na ang lahat noong sabihin iyon ni Ms. Contez. Kinuha ko ang bag ko noong saktong dumating si Nathan na nakasuot pa ng jersey dahil galing siya sa training nila.


Lumapit ito saakin at ngumiti. "Tapos na? Pasensya na at hindi ako nakapunta." Tumatagaktak pa rin ang pawis nya ngunit kahit pawisan ay maaamoy mo ang bango niya.


"Bukas na daw ang simula ng practice nyo. Nakakalungkot nga at hindi ako makakasama sa pagsayaw sa taong ito." Bigong ngiti ko.


"It's fine, let's have a lunch?" Tanong nito.


Naalala kong nag-aya nga pala siya kahapon at wala na akong nagawa dahil masyado siyang mabait para tanggihan ko. "Sure. Magpalit kana muna, pawis na pawis ka oh." Sumilip ang ngiti sa labi nya dahil sa sinabi ko.


"Ikaw ha konti na lang iisipin ko na you are falling for me na." Panunukso pa niya.


Umiling ako at napangiti. "Magbibihis kana o iiwan kita?"


"Eto na nga at magbibihis na." Sabay kaming tumawa dahil sa naging usapan namin.


Naghanap ako ng mauupuan naming dalawa. Noong makahanap ako ay naghintay ako na dumating si Nathan noong dumaan sila Russel na nakikipag away nanaman kay Aubrey. Haban wala namang imik na nakasunod sa kanila si Ivan na nakayuko pa kung maglakad. Napailing na lamang ako.


"Sige na kase pumayag kana na ikaw ang kapartner ko." Naiinis na saad ni Russel.


Tinaasan siya ng kilay ni Aubrey, nagsusungit. "Ikaw? Mas gugustuhin kong makasama si Ivan kaysa sayo." Irap pa nito.


Lalagpas na sana sila sa table kung saan ako nakaupo noong tawagin ko sila. Mabilis na lumingon sila saakin. Lumapit si Aubrey kasunod sila Russel at Ivan.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon