Chapter 30

282 5 0
                                    

Chapter 30

-Charlie's Point of view-

"Tita aalis na ho ako, baka po magalit si mommy" Narinig ko agad ang tinig ng babaeng mahal ko. Napatayo ako agad at dali daling lumabas ng kwarto ko. Nakita kong papaalis na si andy at kahit na hindi pa ako nakakahilamos ay sumunod ako sa kanya.

Ang bilis ng mga lakad nya, ng sa wakas ay mahawak ko sya ay nagulat pa sya.

Magang maga ang mga mata nya, at talagang mahahalata mong umiiyak sya. Sabi ng ayokong nakikitang umiiyak sya.

"Mi Amor." Tawag ko at niyakap sya.

"U-uy! Gising ka na pala." Pumiyok sya.

"Sa'an ka pupunta?"

"Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni mommy at baka pagalitan pa ako" Humiwalay sya saakin.

"No, alam ni tita na nandito ka. Are you okay?" Tanong ko. Tinaggal nya yung pag kakahawak ko sa kanya.

"Uuwi na muna ako, charlie. Gusto kong mag pahinga" sabi nya sabay talikod.

Nangunot ang mga nuo ko, sa pag kakatanda ko ay hindi wala akong kasalanan sa kanya para maging ganito sya. Parang bumabalik ang dati, ang pag iwas nya saakin ngayon ay syang nag papaalala ng nakaraan. Nung mga panahon na nililigawan ko si Heana. Same feelings.

Hinayaan ko na lang syang makaalis bibigyan ko muna sya ng panahon para makahinga. Pumasok ako sa loob at dumaretso sa kwarto ko, umupo ako sa kama at nag isip isip.

Kung iiwasan nya nanaman ako ay hindi na ako makapapayag dahil, sa mga oras na to ay sigurado na ako sa nararamdam ko. Kung pipilitin nya muli akong lumayo sa kanya, ay hindi ko na hahayaan na mawala ulit saakin ang taong mahal ko.

Lumipas ang araw na iyon. Hindi ko na naramdaman pang muli si Andy, naka patay ang cellphone nya kaya hindi ko ito matawagan para man lang kamustahin. Pero Laking pasasalamat ko at binalitaan naman ako ni Aubrey.

"She's sleeping right now" sabi ni aubrey sa kabilang Linya.

"Okay na ba sya?"

"Sa tingin mo ba ay magiging okay sya kung yung taong nangaliwa sayo ay nandito kanina?" Sa tono ng boses nya ay alam kong umirap pa sya sa lagay na iyon.

"Andyan kanina si nathan?"

"Yup, nagpupumilit nga e."

"Anong nangyari?" Naalala ako.

"Si tita ang kumausap, mukang lasing rin si Nathan. Buti at binisita ako, balita ko ay dyan natulog kagabi si andy sa inyo?" Narinig kong may isinara syang pintuan.

"Oo, nawalan sya ng malay kagabi dahil sa pagod kaiiyak."

"Charlie, pwede request?" Umayos ako ng upo.

"Sure, ano ba yon?"

"Pwede ba this time, gusto ko na ikaw ang gumabay kay andy ngayon? Alam ko na gusto mo na rin ang kaibigan natin. I trust you" sabi nya. Kahit naman siguro na hindi nya sabihin ay alam ko ang gagawin ko.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon