Chapter 78

145 3 0
                                    

Chapter 78

-Andy's Point of view-

"Nakakapagod yun ah!" Sabi naming lahat nung matapos ang lahat ng activities namin. Tumabi saakin si Charlie at doon ako sa kanya humilig.

"Tulog kana muna" tanghali pa lang kasi. Pumikit ako at pinakiramdaman ang Paligid.

Nakatulog ako ng maikli dahil na rin sa pagod. Mamayang gabi na rin kami nag kayayaan na pumunta sa bar dahil hindi na kami mga bata at inaya rin kaming makipag inuman nila kuya sa kanila. Hindi naman masama yoon dahil minsan lang naman kaming lumabas at minsan lang magkayayaan.

Sobrang saya nung kanina naming ginawa, baka bukas mg tanghali ang alis namin papuntang bohol. At pag katapos ng bohol ay isang linggo kami sa boracay. Doon kami mag i-stay ng matagal. Dahil doon naman talaga kami pupunta.

Nagising ako dahil sa ginigising na ako nila Aubrey, "Kain na, sarap naman ng tulog mo sa tabi ni fafa charlie." asar nito saakin.

"Baliw ka talaga kahit kailan." Sagot ko naman sakanya. Magdidilim na pala sobrang bilis ng oras. Nakita kong nakapikit rin ang mga mata ni charlie. Tinitigan ko sya at ngumiti ako nung umungot sya.

Minulat nya ang mata nya at mabilis nya akong hinanap."Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Kala ko kasi iniwan mo ako." Sabi nya sa malungkot na tono. Tumingin ako sa paligid at nakita kong busy silang lahat sa pagkain. Kaya hindi na ako nag dalawang isip na halikan ang noo ni charlie.

"Charlie itatak mo na sa utak mo na hindi na mangyayari ulit yoon," Seryosong sabi ko sa kanya.

"At hindi na rin naman na ako papayag na mangyari ulit yoon. Pero syempre hindi mawawala saakin ang matakot na baka mangyari yoon" Ngumiti sya saakin at hinatak na ako papunta sa may kuhanan ng pag kain. Nasa yate kasi kaming lahat ngayon nag hihintay na makita ang paglubog ng araw.

Aaminin kong natatakot parin akong sisihin ni charlie sa lahat ng nangyari. Alam ko namang nagloko sya noong mga panahon na wala ako. Kaya hindi ko sya masisisi, gusto kong humingi ng maraming paumanhin dahil pakiramdam ko ay kulang ang lahat ng mga nasabi ko sa kanya, na kulang lahat. Medyo nawala ako sa mood dahil sa sinisisi ko parin talaga ang sarili ko.

Dumating ang oras ng paglubog ng araw. Kanya kanya kaming kuha ng litrato. Pero hindi mismo yung araw ang napicturan ko dahil si charlie iyon habang kumukuha sya ng litrato. Napaka gandang imahe iyon para saakin, saktong sakto.

"Adik ka na masyado kay Charlie!" Biglang sumingit sa likuran ko si kuya Maynard na hawak ang Camera nya.

"Ganoon ata talaga kuya pag masyado mong mahal yung tao. Na mas pipiliin mo na sya na lang yung kunan ng litrato kesa sa magandang araw" I give my sweet smile for him.

"Kelan kaya ako makakahanap ng babae para saakin hano? Para ako naman yung mag apply nung mga ginagawa mo kay chalrie" Sabi nito saakin. Natawa ako, sinasabi nya iyon habang kumukuha sya ng mga litrato.

"God's perfect time lang kuya. Baka hindi mo inaasahan na nandyan na pala yung babaeng para sayo" Sabi ko kay kuya. Binaba nya ang camera nya at niyakap ako.

"Napaka swerte ko dahil meron akong kapatid na katulad mo na handa akong bigyan ng advice!" niyakap ko sya pabalik.

Pagkatapos ng usapan namin na yoon ay umalis na sya para daw magbihis dahil pupunta na kami sa Bar mamaya. Lumapit naman agad saakin si Charlie, may hawak na isang piraso ng Puting rosas at walang pag aalinlangan na ibinigay saakin.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon