Chapter 40

201 3 0
                                    

Chapter 40

-Andy's Point of view-

Cez Manor Resort Boracay.

Dito na kami nag punta matapos kumain Pagod na pagod na ang katawan ko mula pa kanina. Yung mata ko ay antok na antok na. Pag pasok namin doon ay sinalubong kami ng isang magandang babae. Matangkad sya, at medyo maputi.

"Hi ma'am hi sir, anong pong sadya nila?" Tanong nito saamin.

"May rooms pa ba na available?" Tanong ng kasama ko habang nakaakbay saakin.

"Ay, isang kwarto na lang po ang available, pero sa kwatro po na iyon ay may dalawang kama na. Andon na rin po ang lahat." Paliwanag nya habang papunta kami sa kwartong sinasabi nya.

Pinag buksan nya kami ng pinto at nakita ko ang malinis na silid. Para saakin ay ayos na ang kwartong ito. Kaso ang ayoko ay may kasama ako sa kwarto.  Kahit naman sabihin nating kaibigan at mahal ko naman ang maka kasama ko, pero hindi ako ayos sa babae at lalake.

"Wala na bang ibang room?" Tanong ko.

"Last na po ito ma'am, pangit naman po kung ang layo ng hotel na pagtutulugan ninyo e andyan naman po yung pakay ninyo" ngumiti sya saamin.

"Gusto mo ba? Mag hahanap na lang tayo ng iba." Bulong ni Charlie sa tenga ko.

Pinasadahan ko ulit ang kwarto ng tingin ko. Tama nga naman si ate, eto lang kasi talaga ang malapit. Wala naman sigurong masama kung eto na lang, malayo naman si Charlie saakin pag matutulog. Kaya eto na lang siguro. Pagod na rin ang kasama ko, at lalo pa syang mapapagod pag nag hanap pa kami ng Ibang matutulugan.

"Eto na lang ate." Ngumiti ako sa kanya.

"Sige po maam, mag bayad na lang po muna tayo sa cashier para sa inyo na talaga ang room na ito."

"Ako na mag babayad, ipasok mo na lang muna yung gamit natin." Hinalikan ako ni Charlie sa noo at tsaka nya ako hinintay na makapasok sa loob.

Nung makapasok ako ay tsaka sya umalis. Sinarado ko muna ang pinto ng kwarto ko, at inayos ang gamit naming dalawa. Inayos ko  na rin ang damit ko at ang pangligo ko mamaya.

May kumatok sa pintuan kaya binuksan ko iyon.

"Gusto kong ng matulog." Parang bata si Charlie na yumakap saakin. Sya na mismo ang nag sara ng pintuan.

"Umayos ka nga, ang bigat bigat mo e" Reklamo ko at pilit syang inilalayo saakin.

"Ayoko," Bumuntong hininga pa sya.

Ilang minuto kaming ganoon, naka tayo lang kami. Akala ko ba ay pagod na sya? Dapat sa kama na sya dumaretso. Ano bang magagawa ko? Niyakap ko sya pabalik dahil sa nakakabaliw nanaman nyang amoy. Alam kong nakakapagod ang byahe, pero hahayaan ko na lang muna kaming ganito.

"Kung hindi man tayo, hanggang dulo wag mong kalimutan nandito lang ako laging umaalalay" kumanta sya, ang lamig ng boses nya at ang sarap na pakinggan ang mga iyon.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon