Chapter 74

181 7 2
                                    

Chapter 74

-Charlie's Point of view-

Tahimik na nakamasid si andy sa labas ng bintana ng kotse ko. She's playing her hand. Adorable! Kanina sa welcome party nya, I don't know kung bakit ako naroon at bakit ko iyon na tanong sa kanya.

Dumaan ako kanina sa bahay nila Aubrey dahil dumating na ang boyfriend nya from states, nag kwentuhan pang kami saglit dahil sa hindi ako mapakali dahil gusto kong makita si andy. 

This is so insane! Why I'm doing this? Nag Lahad ako kanina ng kamay sa kanya at Binawi ko naman nung hawakan nya? What now Charlie Diamse? Napapailing na lang ako sa ginawa ko kanina. She's so freaking hot! And yes, aaminin kong nag selos ako kanina kay Nathan and andy.

Heck right? Kaya nag suggest ako sa kanya na ako ang mag Hahatid sa kanya kanina sa venue. Naguguluhan na din ako sa nararamdaman ko ngayon dahil sa pag Halik nya saakin nung nasa bar kami. After kasi noon ay Nawalan na sya ng malay, nauna kaming dalawa na umuwi.

Kahit pala wala na kami, I still care about her.

Tahimik sya! Once again, I hate her silent. Sa tingin ko ay galit sya saakin pag tahimik sya, sa tingin ko ay ang tanga tanga ko pag tahimik sya.

"Kamusta yung event?" Ako na ang unang gumawa ng moves.

"Okay naman," maiksing Wika nya.

"I see, pagod ka?" Sabi ko sa kanya.

"Medyo,"

Natahimik ako dahil sa sagot nya, galit ba sya dahil sa Binawi ko ang kamay ko sa kanya kanina? Nagulat lang naman ako kaya ko na bawi iyon. I was just kidding!

Traffic, eto ang mahirap sa manila. Kahit Umaga at gabi always traffic,maya kanina Inis na Inis ako dahil sa ang tagal tagal na nag hintay ni andy kanina sa parking lot.

Alam kong mahal ko pa sya, alam ko. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit pa sya bumalik rito sa pilipinas gayong ayos naman na ako!

"are you hungry?" Tanong ko ulit.

"Bakit nandon ka?"

Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. Hindi ko inaasahan na io-open nya yung topic about kanina.

"Nandon ako? Sa'an?" Stupid answer! Alam ko kung ano man ang tinutukoy nya.

"Alam mo naman ang tinutukoy ko," Mahinang sabi nya saakin. Nakatingin pa rin sya sa labas ng bintana.

"Wala, I don't know," tanga!

"You don't know? Nandoon ka, tinanong mo sa harap ng maraming tao kung mahal ko pa yung iniwan ko." Pumiyok pa sya,alam kong nanggigilid na yung mga luha nya.

"Nakuha ko naman yung sagot ah? Nasabi mo na hindi na, so ano pa bang aasahan ko?" Straight to the point kong sabi.

Sobra akong nasaktan kanina sa sinagot nya. Akala ko ay hindi iyon ang isasagot nya sa tanong ko. Pero nag kamali ako, ayos na rin siguro ito.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon