Chapter 4

427 10 0
                                    


Chapter 4


-Charlie's Point of view-


That's a blast. Did they have relationship? Bakit hindi ko ata alam? Kanina pa ako nag-aalala sa kanya dahil bigla na lamang syang umalis noong nakausap ko si Heana. Balak ko sana syang sundan ngunit sobrang bilis nyang nawala. At noong nakita ko sila sa canteen ni Nathan na nagtatawanan ay bigla akong nahiya na lumapit sa kanya.


Kaya naman napagdesisyunan kong pumunta na lang sa classroom at hintayin siya upang makusap. Ngunit noong makita ko sya na kasama pa rin si Nathan ay may kung ano sa loob ko na hindi ko alam kung ano. Kaya naman hindi ko sya pinansin noong tawagin nya ang pangalan ko.


'Charlie, you're over acting.'


Papalayo n asana ako sa classroom noong biglang nag ring ang cellphone ko kaya naman mabilis kong kinuha iyon umaasang si Andy na ang tumatawag saakin. Ngunit ganon na lamang ang panlulumo ko noong makita kong si Heana nanaman ang tumatawag saakin.


"Hello?" Huminto ako sa pag lalakad.


"Hi Charlie, I just wanted to say thank you for the lunch." Alam kong nakangiti siya habang sinasabi iyon. Ngunit sa pag kakataon na yon ay hindi ako nakaramdam ng kilig sa kanya.


"Yeah sure, sa uulitin. I like having lunch with you."


"Really? Edi sabay na tayo mag lunch bukas. Don't worry ako naman manlilibre sayo."


"No problem. I need to go may klase pa kasi ako. See you around okay?" Sabi ko pa sa kanya.


"See you around. Study well!" Hindi ko na sya sinagot pa at hinakbang ko na ang paa ko pabalik sa classroom namin. Noong papasok na ako ay lumapat agad ang mata ko kay Andy. Nakadukdok ito kaya naman hindi nya ako nakikita. Nag pakawala ako ng malalim na hininga at tumabi na lamang kila Russel.


Natapos ang afternoon class namin ng hindi kami nag papansinan. May oras na nakakatinginan kaming dalawa pero ramdam na ramdam ko na may mali sa pagitan namin. Hindi ko naman alam kung bakit sya biglang umiiwas sakin. Napapailing na lamang ako. Hindi ito pwede, hindi nya ako pwedeng iwasan ng walang dahilan. Kaya naman napagdesisyunan kong kausapin siya.


Bago pa sya makalabas ay hinigit ko na ang pulsuhan nya. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya. Sinubukan man nyang makaalis mula sa pagkakahawak ko ay wala na siyang nagawa kundi ang tumahimik na lamang. Hinintay kong makaalis ang lahat ng nasa loob ng silid at mukang ganon rin naman sya bago sya nakapagsalita.


"What do you want? Bitawan mo ako." mariing bigkas nya.


"Gusto kitang makausap" tugon ko.


"Wala naman tayong dapat pag-usapan. Kaya please lang bitawan mo ko."


"Are you avoiding me? What's wrong with you?" Seryosong ani ko. Binitawan ko sya.


Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon