Chapter 5

419 9 0
                                    

Chapter 5


-Andy's Point of view-


Halos isang linggo na rin kaming hindi nag kakausap. Magkakasalubong man ngunit hindi nagbabatian. Mag kakatinginan man ay hanggang doon na lamang iyon. Tuwing mag aaya ng lunch sila Ivan ay sya na ang hindi sumasama saamin. Ang dahilan niya ay sasabay siya kay Heana.


Mahirap man ngunit pinabayaan ko na muna siya dahil mukang masaya naman siya ngayon kung anong mayroon sila ni Heana.


'Tch, ngayon lang kami nagkaganito. Ngayon lang kami nag away ng ganito kalala na umabot ng isang linggo.'


"Andy, hindi parin kayo ayos?" Kasama ko si Aubrey ngayon.


Umiling ako. "Hindi pa." buntong hininga ko.


"Usap usapan na rin sa buong campus na nililigawan niya si Heana." Mapait na ngiti nya.


Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.


"Tinamaan talaga ang loko." iling iling ko.


"Hindi naman talaga ako boto sa Heana na iyon. Feeling ko talaga pinaglalaruan nya lang si Charlie." Nagkibit balikat pa siya habang umiiling.


"Ewan," patay malisyang tugon ko. "Kung saan siya sasaya doon na lang din ako." walang emosyong dagdag ko pa.


Natahimik naman agad sya. "Andy...kung may laban ka, lumaban ka." ngiti nya.


Ako naman ngayon ang natahimik dahil sa makahulugang ani nya. "Kaya mo namang lumaban e. Kaso, Pinapangunahan ka nga lang ng takot mo." Dagdag nya.


"Hindi naman sa takot. Pero ano ba kasi talaga ang laban ko? Kaibigan lang ako at sa tingin ko ay hindi na iyon mag magbabago sa paningin nya." tugon ko.


"Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako to guide you okay?" Ngumiti ito saakin na siyang kinagaan ng loob ko.


"Thank you so much."


Natahimik lang kami ng biglang pumasok ang adviser namin.


"Students, since malapit na ang acquaintance party we need some students to cooperate in Mr. and Ms. Acquaintance." Sabi ng adviser namin.


Nagbulungan ang mga kababaihan habang mukang wala namang mga pake ang mga kaklase kong lalake. Ang grupo ko ay tahimik at nag hihintay pa ng sasabihin saamin ng adviser namin.


"So we need representatives from our section. Anyone?" Tanong pa ng adviser namin. Nagsimulang magturuan ang mga kaklase ko kung sino ang nais nilang ipanglaban sa gaganapin na event.


Tumingin saakin si Aubrey "Sino kaya ipanglalaban natin no? Ppaniguradong kailangan niyang mag handa for that night." Tanong nya pa. Nag palumbaba lang ako, wala akong maisip na pwedeng ilaban sa mga ganito.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon