Chapter 24

334 6 0
                                    

Chapter 24

-Andy's Point of view-

Kinapa ko ang katabi ko pero napamulat ako na wala sa tabi ko si Charlie. Uminom muna ako ng tubig na nasa side table at tumayo. Nag hilamos muna ako bago bumaba.

Suot ko parin ang damit ni Charlie. Bumaba ako, at naabutan ko syang nagkakape at nag babasa ng kung ano.

"Good morning" Bati ko. Wednesday na ngayon at tulad ng sabi ko walang pasok dahil holiday. Tatlong araw na lamang ay debut ko na. Kaya mas lalo akong ginagapang ng kaba.

"Come here." Aniya. Lumapit ako sa kanya.

"May lakad ka ba ngayon?" Tanong nya.

"I guess meron? Kasi first Monthsary namin ni..nathan" papahinang sabi ko.

"Aws. Sayang, Isasama pa naman sana kita sa ospital." Kibit balikat nya.

"Text mo na lang kung saan naka distinong ospital si tita. Pupunta na lang ako don pag katapos ng lakad namin." Sabi ko.

"Andy, may sasabihin ako sayo."

"Hmm? Ano yon?"

"Magagalit kaba sakin pag sinabi kong, wala talagang brain cancer si mommy. Sya ang nag sabi na yon daw ang sabihin ko. Sorry kung nag sinu--"

"Alam ko na." Natigilan sya sa pagputol ko sa kanya.

"Paano?"

"Kagabi. Okay lang, naiintindihan ko." Ngumiti ako sa kanya. Tumayo sya mula sa pag kakaupo at sinugod ako ng yakap ng bisig nya. Agad ko rin syang niyakap pabalik.

"I'm sorry."

"No more drama's, tara kumain na tayo." Ngumiti ako. Hinawakan nya ang kamay ko at pumunta sa dining area.

May kung anong kilig ang pumasok sakin dahil sa pag hawak nya sa kamay ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at hindi ako nag kamali. May message agad si Nathan.

Binaba ko iyon.

From: nathan
To: Andy

Good morning my baby. Eat your breakfast, see you later. Thanks for everything, happy first baby.

Ngumiti ako ng bahagya, at agad na kumapa ng mga letrang itutugon ko sa kanya.

From: Andy
To: Nathan

Just woke up. Good morning, yeah. See you later. Dapat ako ang mag sabi ng thanks for everything. Hahaha. Happy first, I miss you.

Sinend ko message ko at itinago ang cellphone ko sa bulsa.

"Nag seselos ako." Unang salitang kumawala sa bibig ni Charlie.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon