Chapter 75

175 5 0
                                    

Chapter 75

-Andy's Point of view-

Tamad na tamad akong bumangon sa kama ko at dumaretso sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at talagang namugto ang mata ko dahil sa kakaiyak. Nag sipilyo ako, ayoko na sanang isipin kung ano man ang nangyari kahapon ng gabi pero bigla na lang sisingit sa utak ko iyon.

Nag ring ang cellphone ko kaya naman kahit nag sisipilyo ay kinuha ko iyon. Nakita ko na ngayon pala ang alis namin papunta Palawan! Omo! Tatlong araw lang kami sa Bohol at Palawan, sa boracay kami mag tatagal.

Kinuha ko ang maleta ko at kinuha lahat ng gagamitin ko para sa pag alis namin. Rinig na rinig ko ang doorbell sa labas ng gate namin kaya napasilip ako sa bintana ng kwarto ko. Nakita kong naka salamin pang bumaba si Aubrey sa Van na dala dala nila. Omygod! Naligo na ako at nag suot ng isang dress, nag flat shoes na lang ako at inayos ang lahat ng gamit ko at inilagay lahat iyon sa maletang dadalin ko.

Pag katapos na pag katapos ay natapos ko na ang lahat sabay katok ng kung sinong tao iyon. Buti na lang at nakapag lagay na ako ng konting make up kaya sana hindi naman na ano mukang hagard nito!

"So kamusta ang aming andy na sa tingin ko ay nag mamadaling mag ayos ngayon ng gamit nya?" Bungad saakin ng fresh na fresh na si aubrey.

Inirapan ko sya at tsaka sya sinagot.

"Sige mang asar ka pa!" Sabi ko sa kanya na kinatawa nya lang.

Lumapit sya saakin tsaka ako tinulungan. Tutulong rin pala sya e!

Nung matapos namin ang pag aayos sa maleta ko. Ay lumabas na kami sa kwarto ko at nakita ko naman agaf ang mga kuya kong mukang tao ngayon! Gwapo sila. Seriously!

"We're complete! Lets go!" Paalala nila.

Hinanap ng mata ko si charlie pero wala sya rito. Nagkibit balikat na lang ako at hinila na rin ang maletang dala ko. Si mommy at andryn ay nasa L.A ngayon. Hindi man lang ako sinama!

Nakita ko sila kuya maynard na nilalagay ang mga bag namin sa isang van. Aba ang yaman ata ng mga ito? Doon lang bumilis ang puso ko nung makita ko sya. Akala ko ba ay wala sya? Lintek na akala na iyan!

"Ayos ka lang ba baby girl?" Tanong saakin ni kuya Ajhay.

Tumango ako sa kanya at sya na ang nag pasok ng maleta ko sa isang van. Napahinto pa ako sa harapan ni charlie pero nag patuloy na lang ako dahil wala naman akong mapapala. Tumabi ako kay aubrey. Nasa malapit ako sa bintana.

Naramdaman ko naman na nandoon sa likuran ko si charlie.

"Tara na!" Malakas na sabi nilang lahat peto hindi ako nakisabay.

"Wala na ba tayong nakalimutan?" Tanong ni kuya maynard.

"Teka yung puso ko!" Napatingin ako kay russel. At nag tawanan ang lahat sa biro nya.

"Wag ka nga! Andito si aubrey no!" Sabi ko sa kanya. Napatingin saakin si charlie pero hindi ko sya pinansin. Nag simula na silang mag kwentuhan kaya ako sinaksak ko na lang ang earphones ko sa tenga ko at bahala na sila muna dya.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon