Chapter 60

161 3 0
                                    

Chapter 60

-Andy's Point of view-

Malakas na katok mula sa pintuang naka sara ang narinig ko. Hindi ko na iyon na buksan dahil sa pumasok na ang kung sino man ang kumatok. Panay ang tulo ng luha sa mata ko dahil sa sinabi ko kanina kay charlie.

Agad na sinarado ni aubrey ang pintuan at inilock iyon at tumabi saakin na merong nag aalalang muka. Ang sakit sobrang sakit.

"Bakit anong nangyari? Galit kanina si Charlie nung umalis sya." Mas lalo akong umiyak dahil sa sinabi nya. 

"Ewan ko kung anong ginagawa ko aubrey. Hindi naman dapat ganito yung mangyayari." Sabi ko sa kanya sa pagitan ng pag iyak ko.

"Shh, stop crying. Everything will be okay, not now but soon okay? Kaya tama na. Kausapin mo na lang sya."

"Hindi ko kaya." Sabi ko sa kanya at niyakap nya ako.

Dahil sa sobrang pag iyak ko ay sumisikip ang dibdib ko. Oh Damn it. Not now asthma. Pero hindi rin ako tinigilan ng asthma ko dahil sa sobrang pag iyak ko kaya hindi na ako makahinga ng maayos.

"Hey are you okay? Wait asan yung inhaler mo?"Tanong nya.

"A-andoon sa C-cabinet." Sabi ko sa kanya at tinakbo naman iyon at nag halungkat. Pa takbo nya rin na ibinigay saakin iyon.

Ginamit ko sya at nung mahimasmasan ay napasandal ako sa kama ko at napatingin sa kisame. Again, Lumuha ang mga mata ko dahil sa nararamdam ko sa puso ko. Napapunas na lang ako ng luha ko nung biglang may kumatok. Binuksan iyon ni aubrey at biglang pumasok ang nag aalalang si Russel.

"Bakit?"Tanong ni Aubrey. 

"Si charlie" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at napatayo mula sa pag kakaupo. Oh Damn it!

"Anong nangyari?" Nangangatal kong tanong. 

"Nag wawala sya kanina pa."Halos maitulak ko sila dahil sa sobrang pag mamadali ko.

Ayokong may masamang mangyari kay charlie ng dahil saakin. Kasama ko si Ivan Aubrey at Russel. Pinuntahan nm in kung nasaan si charlie. Natigilan na lang ako ng pag lalakad dahil sa nakita ko ang pagod na pagod na si Charlie. Nakaupo sa ilalim ng puno at dumugo ang kamay. Naka tulala lang sya at nakapatong ang kamay sa isang binti nya.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at at tsaka huminto at iniluhod ang kanang binti sa harapan nya. Dapat hindi tumulo ang luha ko. Ayokong umiyak dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako ang dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon at ako ang may dahil noon.

"Bakit ka nakikipag hiwalay Mi amor? Hindi na ba ako mabuting boyfriend sayo? Hindi na ba ako Sapat para sayo? Hindi mo na ba ako mahal? Bakit? Bakit kailangan humantong sa ganito? Sagutin mo naman ako oh, sasabog na ata yung utak ko dahil sa sobrang daming tanong." Sabi nya habang nakatulala pa rin. Hinawakan ko ang muka nya at Iniharap saakin iyon. Yung mga tanong nya ay sobrang sakit na marinig kasi hindi naman lahat totoo ang mga iyon. At ayoko ring isipin nya na ganoon.

Sunod sunod ang pag iling na binigay ko sa kanya.

"Hindi ganoon." Mahinang tugon ko sabay ang pag tulo ng luha ko.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon