Chapter 14

374 5 0
                                    

Chapter 14

-Charlie's Point of view-

Alam kong naguguluhan sya. Sa mga kilos na ngayon ko pa lang inilalabas sa kanya. Ayoko man syang idamay sa mga kaemohan ko, pero anong magagawa ko? Gulong gulo na ang utak ko.

"Tara na. Baka hinahanap na tayo ni Ace." Nag iwas sya ng tingin. Oo nga pala, andito nga pala kami sa school ng ace na yon.

Tumango na lang din ako at sabay kaming bumalik sa gym na ngayon ay dikit na ang laban. Nangunguna ang team nila ace. Umupo ulit kami sa kanina naming bangkuan.

Naging tahimik ang pagitan namin ni andy. Dahil na rin siguro sa naging usapan kanina namin sa canteen. Nakatutok ang mga mata nya sa laro. Pero pansin mo na nakatingin lang ngunit hindi naka focus.

Natapos ang game. Panalo sila ace, Tuwang tuwa syang nag wawala sa court. May mga lumapit na babae sa kanya pero iniwasan nya iyon. Aba, good boy. Bumaling sya saamin. Tumayo si andy, kaya tumayo na rin ako. Nakita kong ngumiti ang mga mata ni andy, lumapit saamin si ace na may mga ngiti sa mga mata nya.

"Congrats ace!" Sabi ni andy. Niyakap naman ni Ace si andy ng bahagya. Siguro ay sa sobrang tuwa.

"Thanks." Tugon ng pawis na pawis na si ace. Bumaling sya saakin.

"Congratulations." Sabi ko. Nakipag kamay sya saakin.

"Salamat dude. Pwedeng favor?"

"Sure. Ano yon?"

"Pwedeng ikaw muna ang mag uwi ng kotse ko? Or, mamasyal muna kayong dalawa. May party kasi kami. Pwede?" Sabi pa nya. Cabanatuan, sure. Medyo alam ko naman ang daan pauwi.

"Sure. Pero anong oras uuwi yung dalawa?"

"Mamaya pang gabi yoon. Mga nine, siguro." Sambit nya at binigay sakin yung susi ng kotse nya.

"Una na kami. Bye" kumaway si andy kay ace na ngayon ay kumakaripas ng takbo para lang salubungin ang mga team mates nya at makihalubilo sa saya.

"Sa'an mo gustong pumunta?" Tanong ko.

"Kung saan mo ko dadalhin."

"May offer ako sayo."

"Ano yon?"

"Pwede ba tayong mag date? Friendship date." Pinagbuksan ko sya ng pinto.

"Sige ba." Ngumiti sya saakin.

"Sa tingin ko ay Masarap mamasyal sa SM ng cabanatuan. Game?"

"SurePero kain muna tayo." Para syang bata.

"Sa tagpuan tayo kakain."

"Sa'an yon?" Pinaandar ko na ang kotse.

"Basta."

Naging tahimik sya at tumingin lang sa labas ng bintana.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon