Chapter 67

159 7 2
                                    

Chapter 67

-Andy's Point of view-

Sinabi ko lang kay aubrey na hindi ako makakauwi pero sa totoo lang ay nag iimpake na ako para sa susunod na linggo. Hindi ko dinala ang lahat dahil alam kong babalik pa ako rito sa ispanya.

Isinalpak ko ang mga damit ko sa maletang dadalin ko. Si Andryn ay handa na rin ang gamit. Si bakla naman ay handa na rin, sila kuya naman ay pa chill chill pa.

Lumabas ako ng kwarto ko para sana pag bungangaan yung dalawa. Nakita kong nag lalaro Sila ng computer games. Silang dalawa lang sa loob ng kwarto ni kuya Maynard. Pinagmasdan ko silang dalawa. Buti na lang at wala silang Ilangan. Ang ganda lang nilang pag masdan dahil mukang mag kasundo silang dalawa kahit na wala ako.

Ngumiti muna ako at tsaka bumaba, gusto ko silang Ipag handa ng makakain dahil mukang ayaw nilang bumaba dahil busy sila! Nag timpla ako ng juice at kumuha ako ng tinapay at nga tsitsiriya. Inilagay ko iyon sa isang lalagyan at pumanik ako sa taas. Kumatok ako at narinig ko ang sigaw ni kuya maynard na bukas raw iyon.

Napatingin Sila saakin at nakita ko ang mga ngiti sa labi nila nung makita nilang may dala akong pag kain.

"Ang baby girl namin!" Malakas na sigaw ni kuya maynard.  Sinarado ko yung pinto at inilapag sa kanilang tabi yung pag kain.

"Thank you." Sabi ni kuya Ajhay.

"Gracias!" Sunod na sabi ni kuya maynard.

"Sige na mag laro na kayo, labas lang ako." Sabi ko mung mailagay na yung pag kain nila.

"No, dyan ka lang." Sabi nila.

"Tch! Aayusin ko muna yung damit ko no." Reklamo ko.

"Next week pa iyon andy, chill lang." Sabi ni kuya maynard at uminom ng juice.

Napailing na lang ako at umupo sa kama ni kuya maynard at doon nag cellphone. Wala naman akong gagawin kung manonood lang ako, chineck ko yung Facebook ko at nakita ko yung share na galing kay Russel. Nakatag iyon kay charlie.

Isang litrato na may mag kahawak na kamay at nag lalakad. Alam kong si charlie ang lalake na iyon. At yung babae ay si?

"Heana?" Tanong ko sa sarili ko.

"Ha? Sino yung heana?" Pa lingon ako sa nakatututok na mata saakin ni kuya Ajhay.

"Wala, punta lang ako sa kwarto ko."

Hindi ko na hinintay na makasagot pa silang dalawa dahil Diretso labas na ako sa kwartong iyon. Pumasok ako sa kwarto ko at Dumapa sa kama ko. Sinuri kong muli kung ano man ang aking nakita.

Pero Naramdaman ko talaga ang sakit na pumunta sa puso ko dulot ng litratong nakita ko ngayon.

Pumunta ako sa comment section at nakita kong nag comment si Charlie.

"Loko ka talaga."

Yoon yung comment kaya na iyak ako agad. Nabitawan ko yung cellphone ko at tumulo nanaman ang mga luhang ngayon ko na lang ulit nailabas. Pinunasan ko yung luha sa mata ko at kinuha ulit yung cellphone ko.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon