Chapter 52

163 3 0
                                    

Chapter 52

-Charlie's Point of view-

Kakababa ko pa lang ng sasakyan ko ay kumakaripas na ng takbo ang kaklase kong babae. Hingal na hingal syang huminto sa harapan ko. Inayos na muna ang sarili at ng makahinga ng maayos ay sobrang lakas ng boses nya.

"Si heana, tapos yung nga alipores nya pinag tutulungan si Andy. May dala silang gunting charlie! Bilisan mo!" Tinulak tulak nya pa ako. Nanlaki agad ang mata ko.

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Sa tingin mo ba mag bibiro ako? Hayop na yan! Hindi ngayon ang oras ng biruan charlie Bilisan mo na!"

Napailing ako kaya agad akong tumakbo papunta sa classroom namin. Ilang hagdan pa ang inakyat ko bago ko marating ang harapan ng classroom namin. Hingal na hingal ako at napapalunok ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

"Hindi ako nag iisa."

Hindi ko alam kung Kanino nanggaling ang boses na iyon. Agad kong binuksan ang pintuan at agad rin silang napatingin saakin. Nakita kong hawak hawak ng dalawang alipores ni Heana si Andy sa mag kabilang kamay. Habang si Heana naman ay pinag sasampal ang taong mahal  ko. Agad na nabuhay ang galit saakin.

"HEANA!"

Natigilan sya at lumingon saakin, may pasa na ang baby ko! Jusko, kahit kanina ay Natapos na ang pagod ko pero ngayon ay sobrang bibig at ng pag hinga ko.

"Don't you dare to touch my girl." Malamig kong sabi sa kanya.

Nakita kong nanggilid ang luha ni Heana, agad syang lumapit saakin at tsaka ako niyakap. Binitawan na ng dalawa si Andy.

"Lumayo ka saakin," Walang emosyong sabi ko.

"No, diba ako naman ang mahal mo? Diba ako lang? Sabi mo saakin ako lang,"

Alam kong umiiyak na sya. Nakita kong walang emosyon si Andy na nakatingin saamin.

"Sabing Layuan mo ako!" Medyo Lumakas ang tono ko.

"Bakit ba!?" Sa wakas lumayo sya saakin. "Dahil ba sa babaeng ito?" Turo nya kay andy. "Alam mo? Hindi ko maintindihan kung bakit iniwan mo ako dahil sa babaeng yan? Bakit ano ba ang meron sya na wala ako?" Hindi ko sya sinagot.

Dahil sobrang laki ng lamang ni andy kaysa sa kanya. At hindi nya iyon kayang pantayan.

"Bakit hindi ka makapag salita? Sabi ko na nga ba at mas lamang ako sa kanya. Charlie? Why are you doing this to me?" Sinubukan nya akong lapitan pero lumayo ako.

"Stop heana." Narinig kong sabi ni andy.

"Bakit?"

"Because you look so desperate. Baka hindi kana balikan ni Charlie nyan?" Sabi nya.

"Ah so binibigay mo na sya saakin?" Natatawang saad ni Heana.

"Wala akong sinabi. Stop this nonsense, heana." Sabi nya at tsaka nag lakad.

Hindi nya ako pinansin, at derederetsong lumabas ng classroom dala dala ang bag nya. Dinuro ko si Heana at sinundan si Andy na hindi ko alam kung saan na ang punta. Linga ako ng linga at nag babakasakaling makita sya.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon