Chapter 70

179 5 0
                                    

Chapter 70

-Andy's Point of view-

Kasayaw ko pa rin si DK yung nag Aya saakin kanina. Kasama ko na rin sila aubrey dahil mukang pinapabantayan ako nila kuya. Wala akong pakialam doon, sumayaw lang ako na para bang free ako ngayong gabi.

Nakita ko sa paningin ko kung gaano katalas ang paningin saakin ni charlie, umiling at ngumiti lang ako sa kawalan na para bang hindi nakita kung anong ekspresyon ang binigay ni charlie saakin. Humawak ako sa balikat ni DK dahil naramdaman ko ang hilo.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong nito saakin at huminto rin ng pag sayaw.

"Yah, I'm good. Pero pwedeng mag pahinga muna tayo?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan nya ang bewang ko na syang kinagulat ng buong katawan ko.

Susuwayin ko dapat sya pero nakita kong papunta kami sa table namin at inalalayan nya ako, good boy naman pala. Inupo ako ni DK sa kabilang upuan na kaharap parin nila charlie at heana. Tahimik na umiinom si charlie habang nakatingin ng patago saakin.

Kumuha ako ng dalawang baso at nilagyan iyon ng alak, ngayon lang ako iinom sa harapan ni charlie. Inabot ko kay DK yung isa at ininom ko agad yung akin na walang sakit sa lalamunan. Sa tagal ko ba naman sa Spain ay talagang nasanay na akong uminom pero pag may okasyon lang.

"Wow," Manghang sabi ni DK.

Binaba ko ang baso ko at nilagyan ulit iyon.

"So, wala ka bang kasama?" Tanong ko sa kanya. Ininom ko ulit ang alak ko at nakakadalawa na ako.

"Meron, yung mga barkada ko. Napagtripan nila ako na ayain kung makipag sayaw saakin." Sabi nito at unti unting ininom yung alak nya.

"Asan sila?" Tanong ko at nilingon ang maingay na paligid.

"Ayon," Tinuro nya saakin ang mga barkada nya na nasa kabilang table lang pala namin. Nakangiti sila kay DK na para bang nangaasar. "Sorry" Pag papaumanhin nito.

"No its okay,"  nakakaapat na baso na ako. Pero hindi ko parin maramdaman kung tinamaan na ba ako o hindi pa.

"Pwede ka bang Ipakilala sa kanila," Nag aalanganing tanong nya saakin.

Narinig ko ang malakas na dabog sa harapan namin. Kaya napatingin ako roon, nakita kong nag lalagyan ng alak si charlie sa baso nya habang mukang bad trip na. Ang problema nya? Tss.

"Sure, mukang masaya sa table nyo." Sabi ko rito at tumayo. Tumayo na rin sya at sabay kaming lumipat sa kabilang table para puntahan ang luha kaibigan nya.

"Woo!" Sabay sabay na Asar ng mga kaibigan ni DK na lalake. May kanya kanya na silang babae. At mukang  girlfriend naman iyon at hindi pokpok rito sa bar. Tss.

"Hi miss, Zandro nga pala" Nag Abot ng kamay yung lalakeng naka puting tshirt. 

"Andy," sabi ko at nakipag kamay.

Umupo kami dalawa ni DK sa tabi nung isang couple na bakante naman ang upuan.

"So, nabingwit kana ata ng kaibigan namin. Renz nga pala." Sumaludo na lang saakin yung isa pang lalake.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon