Chapter 66

170 3 0
                                    

Chapter 66

-Andy's Point of view-

"Congratulations for the best and highest paying fashion designer! Ms. Delos-Reyes"

Salubong saakin ng manager ko. Nag palakpakan ang mga kasamahan ko sa trabaho at nag hiyawan pa. Narito pa rin ako sa Spain dahil tinatapos ko muna ang trabaho ko at na promote na nga ako. Sa isang linggo na kami uuwi ng pilipinas kaya naman tuwang tuwa ako.  Isa ako sa pinaka magaling na fashion designer na nabibilang sa mga pilipinong fashion designer rito sa Spain.

"O paano ba yan? Mag papakain kana ba?" Tanong ng kasamahan ko na si Ivy. Nag tawanan naman sila.

"Bakit hindi? Tara Libre ko saan nyo ba gusto?" Nagtawanan ulit sila kaya naman lumapit na sila saakin at nag desisyon na kami kung saan kami mag ce-celebrate.

Sa isang mamahaling restaurant ko sila dinala at ito ang unang pag kakataon na ako ay manglilibre. Dumating rin ang mga kapatid ko na si kuya maynard at kuya Ajhay para makisama saamin. Sumunod si bakla na halos kumaripas ng takbo saakin para batiin ako. Ang gaga, mayaman na.

Nag kukwentuhan kaming lahat.

"Napaka galing kasing fashion designer ni Andy. Kaya naman Ayan tuloy! Ang ganda na ng takbo ng career." Sabi ni Anton na kasamahan ko.

"Hindi naman," dipensa ko.

"Asus! Ikaw pa, hindi lang magaling dahil sobrang bait pa." Singit ni Ivy.

"Thank you." Sinabi ko na lamang iyon dahil sa nahihiya ako dahil sa sinasabi nila saakin. Hindi ako sanay.

"Kelan nga pala ang balik ng pilipinas?" Tanong ni Carmy,

"Next week. Birthday gift saki ng dad ko." Sabi ko.

"Mabuti kung ganoon at makakapag relax ka. Pati si maynard ay mukang exited ng umuwi." Baling ni Tristan ang manager kong bakla.

"Of course. Minsan na lang iyon."Nag tawanan kami dahil sumagot si kuya maynard.

Nag patuloy ang dinner namin at nung matapos ay umuwi na kami dahil pagod na rin ang katawan ko. Nakaakbay saakin si kuya Ajhay habang si kuya maynard naman ay nangunguna sa pag lalakad. We're very close. Nakauwi kami sa bahay ngunit wala si daddy. Sinabi saakin ni kuya na may business trip sya. At sa isang linggo pa ang uwi nya saktong aalis na kami rito.

Hinatid nila akong dalawa sa harapan ng kwarto ko. Para mag paalam at mag congrats ng mag congrats.

"We're so proud of you. Congrats." Sabi ni kuya maynard.

"Thanks kuya." Sabi ko.

"Congratulations dude." Natatawang sabi saakin ni kuya Ajhay. 

Maka dude! Minsan kasi ay napag kakamalan nila akong tomboy, lalo na ang mga kaibigan nila. Jusko! Ilang beses ko ng sinabing Diretso ako! Babae ako. Pumasok ako sa kwarto ko upang mag pahinga na. Naligo lang akong saglit at nag bihis na ng pantulog.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon