Chapter 36

269 6 0
                                    

Chapter 36

-Andy's Point of view-

"Aubrey, mamaya mag usap tayo." Kalabit ko sa katabi kong nag ce-cellphone.

"Tungkol saan?"

"May nasagap kasi akong balita tungkol kay Heana."

Natigilan sya.

"Anong Balita? May ginawa ba sya sayo? Sinaktan ka ba nya? Ano?!" O.A na sya.

"May balak pa lang syang gawin. Ang Nakakainis don, gusto nyang sirain ang relasyon namin ni Charlie para bumalik sa kanya si Charlie."

"She's so Cruel talaga. Gusto ko syang sampalin."

"Relax, natatakot ako sa kaya nyang gawin, alam mo namang mahal ko si Charlie at hindi ko na kaya pang mawala sya."

"Hindi naman hahayaan ni Charlie na hawakan ka ng babaeng iyon."

"I see"

Natahimik na lang kaming dalawa nung pumasok ang teacher namin. Buong subject nya akong lutang dahil sa kaiisip. Kahit naman siguro sino ay matatakot lalo na't sa taong mahal nila. Kilala ko si Heana at alam kong hindi sya magpapatalo na lang agad ng ganoon ka bilis.  Pero pinapangako ko sa sarili ko na pag sinimulan nya kaming guluhin at sirain, hindi naman ako mag dadalaga ng isip na labanan na sya. Duwag akong tao sa totoo lang, pero pag taong mahal ko na ang pinag uusapan ay parang hindi naman na pwede yan. Sorry, but she's playing with fire.

Nagising na lang ang diwa ko dahil sa narinig ko ang kampana ng bell, na nag paparating na oras na para sa Recess. Tumayo ako, nakita kong papalapit saakin si Charlie. Nakangiti sya at para bang hindi mo masisira ang araw nya ngayon. Well mas gugustuhin ko naman na lagi syang ganyan at mas gugustuhin kong dahil iyon saakin. Niyakap nya ako, niyakap ko sya pabalik. Galing sya sa Practice ng Basketball dahil ang balita ko ay Ilalaban sila sa kabilang school na malapit lang dito saamin.

"I miss you!" Sabi nya sabay Halik sa pisngi ko. Wala na ring tao sa classroom Maliban saaming Lima, busy ang mga kaibigan namin sa pag aayos ng Gamit  nila, pakiramdam ko naman na nag init ang pisngi ko. Hula ko nga ay namumula ako ngayon.

"I miss you too." Niyakap ko sya, basang basa ang likod nya ng pawis. Kahit kailan talaga ay pinapabayaan nya ang sarili nya.

"Tss, pawis na pawis ka. Mag palit ka nga." Sabi ko. Kinuha ko ang towel na nasa bag ko at Pinunasan sya. Tumalikod sya at itinaas ang damit nya. Pinunasan ko ang likuran nya dahil sa sobrang daming pawis noon.

"Wala ka kasi doon e, Ayan tuloy. Pinabayaan ko ang sarili ko." Narinig kong nag halakhakan sila Aubrey, Russel, at Ivan sa likod namin.

"Isip bata. Dapat nga ay kahit wala ako doon inaalagaan mo ang sarili mo. Sa tingin mo ba ay natutuwa akong nakikita kang basang basa ng pawis? E kung mag kasakit ka?" Pag sesermon ko.

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at iniharap ulit sa kanya. Gulo gulo rin ang buhok nya, isip bata talaga ang Siraulo.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon