Chapter 82

134 6 0
                                    

Chapter 82

-Andy's Point of view-

"Kuya.." tawag ko kay kuya Maynard.

Nilingon nya agad ako. Nakangiti sya saakin at para bang ang saya saya nya.

"Yes baby girl?" Tanong nya saakin.

"Paano ko ba sasabihin sayo ito," napakamot agad ako sa noo ko, kinakabahan ako dahil gusto kong sabihin sa kanya na nag propose na saakin si Charlie kanina.

Kakauwi lang kasi namin dito sa hotel, dito parin sa boracay. Hindi na kasi ako maka hintay na sabihin kila kuya na nag propose na si Charlie. Pero kinakabahan ako.

Kanina ay sobang hindi ko inaasahan na gagawin ni charlie iyon. I dont really care about efforts. Hindi naman sa sinasabing kong walang effort ang pag pro-propose saakin ni Charlie. Pero para saakin ay hinding hindi ko iyon makakalimutan.

"What is it baby girl?"tanong muli saakin ni kuya Maynard.

"Kuya, si Charlie.." napakunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Anong meron kay charlie?" Napataas ang kilay nya.

"...nag propose na sya." Napayuko agad ako. Damn it.

Parang kabayo yung pag tibok ng puso ko ngayon sa sobrang kaba. Natatakot ako na baka hindi nya magustuhan.. natatakot na ako ngayon

Pero-

"Thank you lord! Yes!" Napakunot ang noo ko nuong marinig kong nag hihiyaw ang kapatid ko.

Napatingin ako sa kanya. Sa totoo lang gusto gusto ko ng matakot sa ginagawa ng kapatid ko ngayon. Nag tatatambling na kasi sya. As in!

Hanggang sa nabasag na nya yung isang lamesang bubog. Jusko!

"Kuya ano ba yan!" Sobrang lakas ng sigaw ko sa kanya.

Napapasok tuloy ng wala sa oras si kuya ajhay at si Charlie. Binatukan ng malakas ni kuya ajhay si kuya maynard dahil sa ginawa nito.

Ang balak ko lang ay sabihin sa kanya pero bakit nag babasag pa sya ng gamit rito! Alang hiya talaga. Masyado atang kinilig kasi dahil sa sinabi ko. Hanep! Kung alam ko lang ay hindi kona sana sinabi pa muna sa kanya.

"Dude! What are you freaking doing!?" bakas sa tono ni kuya ajhay na naiinis na sya.

"Sorry, sobrang saya ko lang kasi nag propose na si charlie sa kapatid natin!" Parang wala lang. Nag tatatalon na sya ngayon.

Kelan ba ako nag karoon ng baliw na kapatid!? Lord tell me, please!

"O bakit mukang hindi ka man lang nagulat sa sinabi ko? Diba dapat nag ce-celebrate kana rin?" Sabi ulit ni kuya maynard.

"Charlie you better call the janitor. To clean this mess," sabi ni kuya ajhay kay charlie. "Bat ako magugulat? Alam ko na, and im happy." napapailing si kuya ajhay dahil sa gulong ginawa ni kuya maynard.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon