Chapter 18

379 6 0
                                    

Chapter 18

-Andy's Point of view-

Hindi ko alam na kaya ko palang mag mura ng dahil sa tindi ng galit ko, Damn. Meron pala akong pag kademonyo. Woah, that's new.

"Are you okay?" Tanong ng katabi kong si Aubrey.

Isang linggo na rin ang nakalipas nung maka uwi kami, ang lamig ng pakikitungo sakin ni Heana, at aware naman ako don. I don't care, kung maarte sya, mas maarte ako.

"Yup." Ngumiti ako sa kanya, nasa canteen kami ngayon dahil lunch break.

"Alam mo? Dada ako dito ng dada e, ang tahi-tahimik mo. Sigurado kang ayos ka lang?"

"Oo naman. Nanikip lang talaga yung utak ko, kaya kailangan kong huminga." Aba naman, pag quiz-in ba naman kami ng sobrang haba? Tss, isaksak ko sa kanya yung lesson plan nya e.

"Grabe rin yong si Sir hano? Tss."

"Sinabi mo pa." Iling ko. Kumakain kami ng lunch nung nagsi upuan sila, Charlie, Ivan at Russel sa harapan namin. Ow, bat andito yung nga to?

"Yo, ladie's." Kindat ni Russel at tumabi kay Aubrey. Nung mga nakaraang araw ay napansin kong hindi na nag aaway tong dalawa at lagi na lang nakadikit si Russel kay Aubrey. Ang Fishy!

"Hi," Bati ng nakangiti na si Ivan.

"Hello," Bati ko.

"Grabe si Sir, sumakit ang ulo ko don, hanep na yan. E kung sa kanya kaya natin gawin yon?" Naghilot pa ng sintido si Charlie. I rolled my eyes, kahit ako ay nagalit sa guro namin na yon.

"Kyaaaahhhh! Si Nathan andyan." Narindi ako sa lakas ng Hiyaw ng isang haliparot na babae.

"Omygosh! Nathan, anakan mo ko" Narinig ko ang tawa ng tatlong lalake na kaibigan ko. Tss.

Nakita kong mapayapa syang naglalakad na mag Isa, yung mga dimples nya lumalabas dahil nakangiti sya, Damn. Sino nga naman ang hindi magpapaanak sa gwapong to? Hanep! Diretso ang tingin nya sakin, kaya hindi ko maiwasan na mapangiti at ako na mismo ang nag iwas ng tingin, isang linggo na rin kaming mag On. Okay, Ackward...

"Hi." May bakanteng upuan sa tabi ko at duon sya umupo.

"Kumain kana?" Tanong ko, habang ino-offer ang food na nasa spoon.

"Hindi pa, sabay sana ako sayo. Kaso, may kasabay ka naman pala." Mapakla syang ngumiti saakin.

"Hindi, ayos lang naman. Sabay kana?" Tanong ko at tumayo.

"Sa'an ka pupunta?" Tanong nya at tumayo rin.

"Kukuha ng pag kain mo, dyan ka lang." Ngiti ko at iniwan sya, gusto ko lang naman na maging maalaga.

"Ate, isang whole rice, tsaka isang order ng adobo." Turo ko, Ibinigay naman agad sakin yun ng nagrereserve at pumunta ako sa cashier para mag bayad. Pagkabayad ko ay, naabutan kong nag tatawanan sila nathan, at yung apat.

Kaibigan lang ba Talaga? (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon